Chapter 18: Karaoke

75 9 3
                                    

Nadine's POV

"We're here."

Rinig kong sabi ni Casper. Nakarating na kami sa pinakamalapit na mall malapit sa Riverdale, katulad ng usapan kanina. Isa-isa kaming bumaba mula sa kotse ni Casper.

"Let's goooo! Pagkain! Pagkain! Pagkain!" Sabi ni Kate no'ng nakababa na kami.

Basta sa pagkain, sugod lang siya.

Naghintay pa kami ng kaunti dito sa parking lot para sabay-sabay kaming pumasok sa mall.

"Nandito na sila," sabi ni Haeri at tinignan naman namin 'yung tinitignan niya.

Nakita kong paparating 'yung kotse nina Ace. Maya-maya lang ay sumunod na rin 'yung kotse nina Angry Bird. Bumaba naman na sina Antonette, Peter, at Ace sa kotse.

"Oh, tignan niyo itong bangag na lalaking 'to." Turo ni Antonette kay Peter na parang namumutla. "Alam niyo bang sumuka 'yan sa kotse?! Kadaldalan kasi!"

Tinignan naman siya ng masama ni Peter. "Ang baho ng air freshener sa kotse ni Ace! Nahihilo ako! Okay naman 'yung dati, ah?! Bakit mo kasi pinalitan?!"

"Ikaw lang ang nagsasabi niyan." Si Ace habang pasimpleng tumatawa.

"Anong mabaho?! Ang bango kaya!" Kontra ni Antonette.

"Sus! Pinagtutulungan niyo lang ako, eh!" Si Peter.

"Ikaw na nga itong pinasakay, ikaw pa itong may reklamo!" Sigaw naman ni Antonette.

Nagsisimula na naman sila.

May nakapa ako sa bulsa ko. Tinignan ko iyon at candy pala. Walang pagdadalawang-isip na inabot ko 'yon kay Peter.

Tinignan ko si Peter. "P-Peter." Inabot ko sa kanya 'yung candy at kaagad niya naman 'yon tinanggap.

"Uy, salamat! Buti ka pa!" At ningitian ko siya.

"Pfft! Buti nga sa 'yo!" Sabi ni Kate at tinawanan niya si Peter.

Ayan na nga.

"So, guys, saan tayo?" Si Bella. 'Di ko napansin na bumaba na pala sila ng kotse kanina.

"Kahit saan, basta may pagkain!" Si Peter na parang bata.

Boy version talaga siya ni Kate.

"Tara! Dun tayo sa lagi naming kinakainan!" Aya ni Kate. Mukhang alam ko na kung saan iyon. Do'n lang naman kami kumakain kapag nati-tripan naming mag-mall.

Sabay-sabay kaming pumasok sa mall at dumiretso sa restaurant na lagi naming kinakainan. Agaw-pansin kami sa loob dahil sa dami naming pumasok, at dahil maingay na rin 'yung iba naming kasama.

"Waooooo! Ang bango dito! Ang daming pagkain!" Sabi Peter na bilog na bilog 'yung mata dahil sa nakikita niya.

"Babala, 'wag ulit sumuka, dahil ikaw ay mukhang palaka," pang-aasar ni Antonette at tumawa naman kami.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Peter, at nilibot niya ulit 'yung paningin niya sa resto.

May lumapit sa aming nag-a-assist at kinausap kami. "Good day po, ma'am and sir!" Ningitian naman namin siya. "Kayo po pala, Ma'am Kate. For how many po 'yung table?"

Kilala si Kate dito dahil isa lang naman ang restaurant na ito sa pagmamay-ari ng pamilya nila. Nag-decide kasi ang mga magulang ni Kate na magtayo ng restaurant, dahil mahilig naman daw kumain si Kate.

"Ay, wow! Famous!" Sabi ni Peter.

"Suki nga kasi kami dito!" Sabi ni Kate. Tinignan niya nang makahulugan 'yung nag-a-assist dahil nagtaka ito sa sinabi niya. Na-gets naman nito 'yung tingin niya.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now