Chapter 37: Performer

153 5 0
                                    

Nadine's POV

"Will you just leave my sister alone?" seryosong sabi ni Kuya dahilan para matahimik sila. "I'm so sick of everyone who's bullying her in this university. She's doing nothing," kalmadong sabi ni Kuya, ngunit ramdam kong pinipigilan niya ang inis niya.

Napayuko naman 'yung babaeng nang-away sa akin at hindi alam ang gagawin.

"And I'm telling you, you're all messing with the wrong family," giit ni Kuya

"K-kuya," naiusal ko na lang. Ayoko na sana lumaki pa ang gulo, ayos lang naman din ako kung tutuusin. "K-kuya, a-ayos lang ako," sambit ko, pero nanatiling nakatingin si Kuya sa mga nang-away sa akin.

"H-hahahahaha! You're kidding. She's just an ordinary girl!" sabi ng babae at halatang nagkukunwaring hindi siya natatakot kay Kuya.

"Ordinary?" Ramdam ko namang mas lalong nagdilim ang aura ni Kuya. "I don't know what dictionary you're using, but please read it again." Nakita ko naman ang paglapit ni Kuya sa babae habang masama ang tingin. "Don't you ever test what Braylon Claude Habben can do. You all won't like it," madiing sabi ni Kuya. "I can expel all of you in this university now if I want to," pagbabanta sa kanila ni Kuya.

"A-arghh! G-girls, let's go!" nauutal na sabi ng babae at nagmamadaling umalis.

Napansin ko namang hawak pa rin ni Kuya ang wrist ni Kate. "K-kuya--" Kakausapin ko na sana si Kuya nang biglang magsalita si Kate.

"Bili na tayo pagkain!" malakas na sabi ni Kate at nakita ko ang pagkalas niya sa pagkakahawak ni Kuya sa kanya. Sinulyapan ko naman si Kuya at ramdam ko ang pagtataka nito.

"Sige, tara!" pagsang-ayon ni Haeri.

"Sama ako!" ika naman ni Antonette.

"Are you okay?" Bumaling ang tingin sa akin ni Kuya na parang sinusuri ako.

Tumango ako bilang sagot. "H-hindi m-mo na dapat ginawa 'yun, Kuya," sabi ko sa kaniya.

"I have to, Nads," walang ganang sagot ni Kuya, "anyway, I have to go now. I'm just here to check on you."

"H-hindi ka kakain, Kuya?" tanong ko.

"Maybe later," sabi ni Kuya at tinignan ang relo niya. "Eat your lunch now."

Tumango naman ako kay Kuya. Nakita ko pa ang pasimpleng sulyap niya kay Kate. Umiwas naman ng tingin si Kate kay Kuya, at saka tuluyan nang umalis si Kuya.

"Hey, guys!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko, nilingon ko kung sino ito.

Si Bella.

Napalunok naman ako nang makita ko siya at naalala ang mga nangyari. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin na kasalanan ko ang lahat. "Nadine, can we talk for a second?" tanong ni Bella.

Napalunok naman ulit ako bago magsalita, "S-sige."

Naglakad kaming dalawa, at wala ni isa'ng nagsasalita. Nanatili akong nakasunod sa kanya, at nang makarating kami sa likod ng cafeteria ay kinabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Matapos ang ilang minuto na walang umiimik ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para magsalita.

"B-bella, s-sorry," sabi ko at agad na yumuko.

Nagulat naman ako nang iniangat niya ang ulo ko at hinawakan niya ako sa pisngi. "There's nothing for you to be sorry. I realized that's just some a misunderstanding. I'm here to say sorry to you."

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now