Chapter 17: A Dream

92 9 0
                                    

Authors' Note:

Before you jump in to read chapter 17, we just want to say... HAPPY 500+ READS!😭 TYSM TO YOU ALL! Thank you for all of your support. To your reads, votes, and everything. We are also thankful to our first follower and readers and so on. Thank you very much, wish you all the best! You're the best readers that we ever had! Lovelots!

- daine❤

-------------------------------------------------------

Arwyn's POV

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag!" Rinig kong sigaw ni Peter, pero 'di ko siya pinansin.

Aaminin kong kanina pa ako balisa. Ewan ko ba! Kapag naalala ko 'yung...

*flashback*

"Ahh, sorry." At inalis ko naman 'yung paa kong nakatapak sa papel niya.

Bigla naman akong napahinto at nanlaki ang mga mata ko.

'Bakit ako nag-sorry, eh wala naman akong kasalanan?! What's happening to me?! Am I even at myself right now?!'

Tipid niya naman akong nginitian. "Salamat." At sabay alis.

*end of flashback*

May isang bagay lang ang 'di mawala sa isip ko.

Her smile.

AAAAAARRRRRGGGGGHHHHHHH!

Isang ngiti lang naman 'yon, takte! Ano bang meron? Bakit ko ba laging iniisip 'yon, ha?

NO WAY! NO, NO, NO WAY! Guni-guni ko lang ito, mawawala din ito!

"ARWYN PAKENING HELLDRIC IBARRA!" Bumalik lang ako sa reyalidad dahil sa sigaw na 'yon ni Peter. Sino ba namang hindi makakarinig diyan, lalo na kapag sumigaw. Daig pa ang isang taong may megaphone, eh.

"Ano ba! Bakit ka ba naninigaw?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kasi kita tinatawag! May bibigay daw sa 'yo, oh!" Nakita ko naman 'yung mga babaeng mukhang neneng ang itsura. 'Yung iba, ang kapal pa ng foundation na nagmumukha ng clown ang mukha nila.

"No thanks," sabi ko at nag-headset na lang.

"Hala siya!" Sigaw pa ni Peter.

Bahala kayo diyan.

"Wala na ata 'yung susunod na prof natin." Rinig kong sabi ng isang kaklase ko.

"30 minutes late eh, wala na talaga 'yan."

"Tara, uwi na us!" Aya naman ng isa.

"Peter, sa 'yo na lang ito. Araw-araw, chocolate," alok ni Ace kay Peter.

Paniguradong 'di tatanggi ito.

"Naku!" Sabi ni Peter. "Masakit kasi 'yung ngipin ko, eh!"

Wow, por da pers taym! Tumanggi si Peter! Did I heard it right?

"Ahh, ganun ba. Sayang naman kasi itong Toblerone kung walang kakain, diba?" Sabi pa ni Ace na animong tinatakam pa si Peter.

Ito namang si Peter, grabe makatitig do'n sa chocolate.

"Hahahahahahahaha! Ano ka ba, 'di mo pa kasi ako pinapatapos, eh! Oo nga, masakit ngipin ko, pero bawal kasi ang tumatanggi sa biyaya, diba?" Pagpapalusot naman ni Peter at sabay kuha do'n sa chocolate.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now