Chapter 83: Sprain

81 4 0
                                    

Kate's POV

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng assignment ko nang biglang narinig kong tumunog ang cellphone ko. Ano ba 'yan! Nakalimutan ko pa lang i-silent 'to!

Dahil naku-curious ako kung bakit nga ba tumutunog ang cellphone ko, siyempre, sinilip ko naman. Wala, eh, baka si Bray 'to, 'no! Pero alam kong imposible, kasi alam kong may ginagawa rin siya ngayon. Nakita ko sa Messenger na kasali na ako sa isang GC. Wala pang pangalan 'to, kaya agad ko sinilip ang members para malaman kung para saan 'to.

Pagkakita ko ng admin na si Unggoy pala, agad ko namang na-gets kung para saan 'to. Wala nga pala kaming GC na magkakaibigan, kaya siguro siya na rin ang gumawa. Pagkatapos niya akong i-add, nakita kong in-add din niya si Tonette at Bella. Basta, nag-a-add lang siya ng mga kaibigan namin.

Peter Seth:

Ayownn, completo na ba?

*kumpleto

Taglish kasi ano ba kayom

*!

Daming alam ng unggoy na ito!

Katelyn Laverne:

Ahh kayom

Nag-haha react naman 'yung iba sa chat ko, samantalang si Peter ay angry react. HAHAHAHAHAHAHA! Pikon!

Katelyn Laverne:

Para san ba to?

Peter Seth:

Gc para ireveal ang sikreto no

*mo

Katelyn Laverne:

Hoy gago

Wag oy

Nananahimik ako dito tas gaganyanin moko

Langyang Peter 'to! Hindi naman niya siguro tototohanin 'yun, 'no? Kahit naman wala siyang binabanggit kung anong sikreto 'yung ibubunyag niya, sure naman ako na 'yung video ko habang lasing ako 'yung sinasabi niya!

Kaso, ilang minuto ang nakalipas ay tinotoo naman ng unggoy na ito 'yung sinabi niya! Sinend nga talaga 'yung video! In-angry react ko na agad!

Katelyn Laverne:

TANGINA UNGGOY

Nang magsi-seen na 'yung iba, nag-haha react naman sila. Jusko, ano ba'ng naging kasalanan ko sa past life ko para makaranas ako ng kahihiyan! 'Di na talaga ako iinom, ever!

Charot! Iinom pa rin ako, pero konti na lang.

Peter Seth:

HAHAHAHAHAHAHAHA alam niyo na guys pag lasing si bubuyog ha

@Elliot Ace Adler wag mong papapasukin sa bar at club niyo si Kate ah

Ilayo niyo lahat ng alak!

Katelyn Laverne:

Pinanganak ka ba sa mundong ibabaw para inisin ako

Punyeta ka

Dahil sa inis ko, nag-offline na lang ako. Potek talaga 'yon si Peter! Sana malasin siya sa lovelife niya!

--------------------------------------------------

Umagang-umaga ay nandito na ako sa school. 'Di na ako sumabay kay Gaille, may sarili naman kaming driver, eh. Pero 'pag trip ko lang talaga minsan, sumasabay ako, lalo na kung si Bray ang maghahatid. 'Di naman sa ayaw ko kay Mang Kanor, ah! Masaya rin naman kasama si Mang Kanor, eh.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now