Chapter 16: Bright Plan

90 9 0
                                    

Peter's POV

Hep hep hep! Andito na si-- hindi Bong Revilla, ah! Siyempre ang nag-iisang Peter Seth Cohen!

Sumapit ang pinakahinihintay kong oras sa lahat.

Break time!

As always, sabay-sabay kaming nagpunta sa cafeteria. Pagkapasok agad namin ay ang mga hiyawan at sigawan sa loob.

Well, gwapo ang Pedro niyo.

Naghanap na kami ng table. Kaagad naman kaming umupo sa upuan, at may bigla akong naalala.

"Tado ka talaga, Arwyn!" Singhal ko sa kanya at agad siyang lumingon sa 'kin. "10 olso papers?! Tas ipapapasa bukas agad-agad?! Alam mo, takte ka!" Paninisi ko sa kanya.

Kung hindi niya naman kasi sasagut-sagutin 'yung prof naming masungit kanina, edi sana walang 10 oslo papers ngayon! Porket kayang-kaya ng mokong 'to 'yung prof na 'yon, eh!

"Eh, siya naman kasi eh," sabi niya na parang hindi affected sa 10 oslo papers na ipinapagawa. "Oh, wait. I have a bright plan," Sabi ng mokong at ngumisi ang loko.

"Malakas ang kutob kong kalokohan na naman 'to," sabi ko sa kanya at ningisihan lang ako. 'Pag ganiyan ang tinginan ng isang Arwyn Helldric Ibarra, matik may kalokohan 'yan.

"Babe!"

Siyempre, sino pa ba ang may jowa dito? Kung hindi si Impiyerno lang. Nakita kong papalapit si Bella na kasama si Laurenn sa pwesto namin. Nang makalapit na siya sa 'min, este kay Arwyn pala, hinalikan niya si Arwyn sa pisngi.

Haharot!

Nagulat pa ang loko sa ginawa ni Bella, pero nakabawi rin agad at ngumiti.

"Let's eat?" Pagtatanong ni Bella.

"O-oh, I have some urgent thing to do. Ikaw muna," sabi ni Arwyn at halatang nag-aalangan pang magsabi.

Isasagawa na niya ata ang kalokohan niya!

Kita ko ang pagtataka kay Bella. "Is that so? Sige," sabi ni Bella at hinalikan naman siya sa pisngi ni Arwyn.

Nakakailan na kayo! Kahit pangalawa pa lang 'yon!

Nakita ko sa entrance na nagkasalubong sina Nadine at Arwyn. Kasama ni Nadine sina Antonette, Haeri, at Kate. Hindi nakatingin si Nadine sa kanya, pero mukhang napansin niya ang presensya ni Arwyn. Pero ito namang si Arwyn ay kung makatitig, wagas. Parang natulala pa.

Lutang na naman ang mokong!

Nakita ko namang papalapit sila rito kung nasaan kami.

"BELLAAAAA!" Sino pa bang sisigaw ng ganiyan? Eh, 'yung Kate lang naman na 'yon ang gumagawa niyan.

Ingay-ingay, amp!

"Hey, girls!" Bati pabalik ni Bella sa kanila.

"What are you doing here?!" Mataray na boses ni Laurenn.

"Umm, kakain?" Pabalang na sagot ni Kate. "Bakit? Bawal? May-ari ka ba ng cafeteria o ng buong school?"

Ayan, may tarayan na namang nagaganap!

Sa lahat ng students dito, si Kate lang talaga ang naglakas-loob na kalabanin si Laurenn. Wala eh, mas mabunganga kasi.

"It's just that ayaw ko lang kayo kasabay," pairap na sabi ni Laurenn.

The Waves In The OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon