Chapter 33: Clue

83 7 0
                                    

Haeri's POV

Kasalukuyan akong nasa classroom at hinihintay sina Tonette at Nads. Pero laking pagtataka ko na hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Hindi ko rin alam, pero masama ang kutob ko. Sa tingin ko ay may nangyari na namang hindi maganda.

Hindi ako mapakali kaya napagpasiyahan ko na pumunta na rin sa cafeteria dahil sa sobrang pag-aalala. Lumipas na ang 45 minutes, at walang prof naman ang sumulpot. Nang makarating ako sa cafeteria, agad hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonan nina Nads at Tonette. Maya-maya ay nahagilap ng mga mata ko si Tonette, at agad naman akong nagpunta sa pwesto niya. Laking pagtataka ko naman na wala si Nads.

"Oh, Tonette! Asa'n si Nads? Diba, magkasama kayo?" tanong ko na may halong pangamba.

"'Yun na nga eh, kanina ko pa hinihintay. Sabi niya, may kukunin daw siya sa classroom natin," alangang sabi ni Tonette.

"Ha? Eh, kanina pa ako sa classroom, pero wala si Nads. Hindi siya dumaan doon."

Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabing iyon ni Tonette. Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Lapitin pa naman iyon ng mga bully!

"Uy, narinig niyo ba? Si Nadine daw, sinugod sa clinic!"

"Ha? Bakit daw?"

"Ewan ko nga rin, eh!"

"Lapitin talaga iyon ng mga bully!"

"Paano ba naman kasi, ang weak! Hahahaha!"

"Ang panget pa!"

'Di ko napigilan ang sarili ko at nilapitan ang mga babaeng iyon.

"What?!" sabi pa ng isa habang nagtititigan kami.

Hinawakan naman ako ni Tonette sa balikat para pigilan. Napabuntong-hininga naman ako. "Halika na, Haeri! Huwag nating sayangin ang oras natin sa mga babaeng chismosa na 'yan!" pagpaparinig ni Tonette.

She's right, the important thing right now is to find Nads.

"Let's go, sabi nila nasa clinic daw si Nads," malungkot na sabi ko.

Ano na naman kaya ang nangyari kay Nads? Sana pala sumama na lang ako sa kanila kanina.

Napasapo naman ako sa noo ko habang iniisip kung ano ang kalagayan ni Nads.

"Huwag ka masyadong mag-alala, Haeri. Paniguradong ayos lang si Nads! Oh, ano pang hinihintay natin?! Tara na! Puntahan na natin!"

Nginitian ko naman siya at kasabay nito ang aking pagtango. Dali-dali naman kaming naglakad papuntang clinic.

Pagkapunta namin sa clinic ay naabutan namin ang isang nurse. Kaagad naman namin itong tinanong. "Nurse! Nasaan po si Nadine? A-ano pong nangyari sa kanya?!" aligagang tanong ko.

"Nurse, kumusta po siya?!" tanong din ni Tonette.

"U-umm, kaano-ano po kayo ni Ma'am Nadine?" malumanay na tanong sa amin ng Nurse.

"Kaibigan po niya kami at kaklase," sagot ko sa kanya.

"Opo, kaklase po namin siya at kaibigan na rin, hehehe!" singit ni Tonette.

"Ahh, ganun po ba. Kanina po kasi may nagdala sa kanya dito, tapos po unconscious po siya."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabing iyon ng Nurse. Nagtataka ako, bakit lagi na lang ito nangyayari sa kanya? Ang bait-bait niyang tao, pero bakit maraming nananakit sa kanya?! Bata pa lang kami, ganito na ang palaging nangyayari sa kanya. Minsan naiinis din ako kung bakit ganoon si Nadine. Bakit niya hinahayaang saktan siya ng mga tao?!

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now