Chapter 38: Twin Dolls

182 6 0
                                    

Nadine's POV

Sinundan ko lang si Casper maglakad-lakad. 'Di katagalan ay huminto kami sa may bench malapit sa exit ng College of Business Administration. Tahimik kaming umupo rito at pinakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang unang babasag ng katahimikan.

Sa huli, siya pa rin ang unang nagsalita, "Um, about the upcoming party..."

"Hmm?" Humarap ako sa kaniya para pakinggan ang sasabihin niya, mukha pa namang importante.

"Do you have a partner yet?" Tumingin siya sa'kin nang diretso, interesadong-interesado sa magiging sagot ko.

Mabilis akong umiling, dahilan ng unti-unting pagkurba ng mga labi niya at tuluyan nang ngumiti.

Ini-scratch niya pa ang kanyang batok, mukhang ninenerbyos. Tumingin ulit siya sa'kin, at doon ko napagtantong kinakabahan nga siya.

Para saan at kinakabahan siya?

"C-can you be my partner, t-then?" utal na tanong niya habang nakatitig sa akin.

Agad naman akong natigilan at unti-unting iniintindi ang tanong ni Casper.

Bakit kaya ako ang niyayaya niya?

Pero dahil si Casper, ang kaibigan ko, ang nagyayaya sa akin... "Bakit naman hindi, diba?" sagot ko sa kanya nang may ngiti.

"R-really?" Nanlaki ang mga mata niya. Tumango naman ako habang nakangiti pa rin sa kanya.

Sino ba naman ako para tanggihan si Casper, diba?

Hindi na bago sa'kin na marami talagang nagkakagusto sa kanya. Sino ba namang hindi? Gwapo siya at napaka-gentleman. Matalino rin at talented. Napaka-sweet at mabait talaga. Ideal man nga raw, ika nila.

Nabalik na lang ako sa reyalidad at muling natigilan nang biglang may yumakap sa akin.

"T-thank you!" masayang sabi ni Casper habang nakayakap sa akin. Ang ulo niya ay nasa balikat ko, dahilan para maramdaman ko ang mainit na hininga niya.

Nagulat man sa mga inaasta niya, niyakap ko na lang din siya pabalik. 'Di katagalan ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap namin. Iniwas naman niya ang tingin sa akin.

"S-sorry, nadala lang," nahihiyang sambit niya.

Ginantihan ko na lang siya ng ngiti, kahit aaminin kong nagtataka at naiilang ako sa mga ikinikilos niya. "O-okay lang," sabi ko sa kaniya, at sinuklian din niya ako ng matamis na ngiti na lalong nakapagpa-gwapo sa kaniya.

Hindi na talaga ako magtataka kung bakit maraming nahuhulog sa kaniya.

Sinulyapan ko saglit ang phone ko at nakita kong 10 minutes na lang at magsisimula ang klase ko.

Nahihiya man ay nilakasan ko na lang ang loob ko. "U-um, pwede na ba akong bumalik?" mahinang tanong ko na sa tingin ko ay sapat na para marinig niya ang sinabi ko.

"U-uh, sure." Ngumiti ulit siya sa'kin at ginantihan ko ulit iyon ng ngiti.

Sabay kaming tumayo sa bench at naglakad. Kahit malawak ang school na ito, malapit lang ang College of Engineering Department sa department namin, kaya halos magkaparehas lang ang nilalakaran namin. Maiiba na nga lang dahil sa dulo ng malawak at diretsong daan na ito ay liliko ako pakaliwa at siya naman ay sa kanan, at maglalakad ulit para makarating sa mismong building at room namin.

"N-nads..." rinig kong tawag sa'kin ni Casper kaya agad ko siyang nilingon. "Hatid kita sa inyo mamaya?"

Walang pagdadalawang-isip na tumango ako sa kanya at ngumiti. Sanay na akong hinahatid at sinusundo niya ako minsan. Kahit sinabi kong 'wag nang mag-abala dahil nandyan naman si Mang Kanor, pipilitin pa rin niya. Kaya hinahayaan ko na lang siya.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now