Chapter 59: Hold On

151 5 0
                                    

Kate's POV

Nangingibabaw ang katahimikan sa aming dalawa ngayon. At mukhang ni isa ay walang balak na magsalita. Siyempre kahit madaldal ako, ayokong magsalita ngayon. Ma-pride ata 'to! Kala niya makakalimutan ko 'yung mga sinasabi niya sa akin kanina? Kinakain ko naman 'yung chocolate na binigay ni Bray sa 'kin. Kahit nagtatampo ako, syempre may exemption sa pagkain! Ang nakakapagtaka lang, bakit meron siya nito? Ang unusual kaya!

"Sorry, I don't have water with me," rinig kong usal ni Bray.

Hindi naman ako umimik at patuloy lang sa pagkain. Kaso hindi ko namalayan na balat na pala 'yung nakakain ko. Hanep, ubos na pala! Nakakabitin naman! Napabuntong-hininga naman ako nang mahina at tiniklop 'yung balat ng chocolate. Nilagay ko naman iyon sa bulsa ng gown ko. Save Mother Earth dapat! Sabi nga, "Basura mo, ibulsa mo!"

Napansin ko naman na may dinudukot si Bray sa bulsa ng coat niya. "Do you want some more?" Ikinagulat ko naman na may isa pang chocolate! Iniabot naman niya sa akin 'yung chocolate pero medyo malayo.

Paano ko kaya kukunin 'yan?!

Malamang, lalapit. Teluk mo, Katelyn!

"Ay, naks, may pasobra! Special ba ako sa 'yo?" sarkastikong banat ko sa kaniya.

"Yes, you are special to me," bulong niya, pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.

Ulol!

Heto na naman siya, nagbibigay ng mga false signals. Ang gulo rin nito, eh! Ni hindi ko nga alam kung paano umiikot 'yung utak niya. Ayoko ng ma-scam ng false alarm, 'no! Napakasakit kayang umasa. Wala naman kasing aasa kung walang magpapaasa! Pero sabagay, bakit nga ba tayo aasa, 'no?

Lumapit naman ako nang kaunti at kinuha 'yung chocolate nang hindi tumitingin kay Bray. "Thank you," tipid na tugon ko.

O, baka isipin niyo! Bawal kayang tumanggi sa biyaya. Bakit ko pa tatanggihan kung nandito na, 'di ba? Food is life! Hindi ko naman maiwasang mapasulyap kay Bray at hindi ko mapigilang humanga sa nakikita ko ngayon. Nakatingin siya sa buwan habang nakangiti. Tinignan ko din 'yung buwan kasi gaya-gaya ako.

Ang nakikita ko ngayon at ang nagsisilbing liwanag sa paligid ay isang half moon. Hindi kagaya ng mga nababasa sa libro at napapanood ko sa mga movies na palaging full moon na hindi naman makatotohanan, kalahati lang ang nasisilayan namin ngayon. Binalik ko naman 'yung tingin ko kay Braylon at...

His eyes...

It's shining under the moonlight.

I can feel the warmth on his stares. As if like he's longing for someone. How I wish I am that someone, someone that gives him more reason to smile. I wish he looks at me the same way he looks at the moon.

Bigla namang nagsalita si Bray at tumingin sa akin. "The half moon isn't perfect, but it's still stunning. It shines in the dark and brightens others."

Agad ko namang iniwas ang tingin ko nang mapagtanto kong nakatitig pala ako sa kaniya. Ano bang ginagawa mo Kate?! Ang plano ko ay lalayo ako sa kaniya. Ano ba kasing nangyari kay Peter?! Wala pa namang Halloween, ah! Bakit siya nang-ghost!

Sinimulan ko namang kainin 'yung chocolate na kabibigay lang sa 'kin ni Bray. Ewan ko kung guni-guni ko lang, pero nararamdaman ko 'yung mga titig ni Bray sa akin. Para bang pinapanood niya kung paano ako kumain.

Problema nito?! Gusto pa atang bawiin 'yung binigay niyang chocolate, ah!

"It's amazing how your stomach and intenstines can handle all the foods you eat," he said with a husky voice.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now