Chapter 89: Finally, I Found You

62 7 0
                                    

Nadine's POV

Pagpasok namin sa isang room na sa palagay ko ay opisina ni Mr. Flores, base sa pagpapakilala niya sa akin kanina, pinaupo naman niya kaming dalawa ni Arwyn sa may sala. Pinagmasdan ko pa ang interior colors na pinaghalong green, light brown, at cream.

"Hindi mo talaga ako matiis!" natutuwang sabi pa ni Mr. Flores kay Arwyn.

"Tss, mapilit lang ho kayo." Nagsalubong naman ang kilay ni Arwyn nang tingnan niya si Mr. Flores.

"Tss, masungit lang ho kayo." Ginaya naman ni Mr. Flores ang tono ni Arwyn, kaya kaming dalawa ng secretary ni Mr. Flores ay natawa. "Ay, Jessi, pakisarado muna 'tong store natin. May mga V.I.P. tayo!"

Hindi makapaniwalang tumingin si Arwyn kay Mr. Flores. "What the?"

Umalis naman ang secretary ni Mr. Flores para sundin ang utos nito. Napaawang naman ang labi ko dahil sa nagaganap. Lagi niya ba itong ginagawa kapag si Arwyn ang nandito? Ganoon ba sila ka-close para gawin niya ito?

"Sige na, mag-usap-usap na tayo! 'Wag ka nang umagal pa!" pagpupumilit ni Mr. Flores.

"We can talk without closing the store. Malulugi ka niyan." Humalukipkip pa si Arwyn at sumandal pa bahagya sa sinasandalan namin dito sa sala.

Naglakad naman si Mr. Flores papalapit sa amin. Naupo siya sa may upuan na malapit sa amin. "Malapit naman na rin akong machugi, eh." Tumawa naman siya nang makaupo na siya. "Hindi, nagbibiro lang. Huwag muna, Lord." Bahagya pa siyang tumingin sa itaas na parang may kinakausap nga talaga. Bumalik naman ang tingin niya sa amin at saka siya ngumiti. "Okay lang malugi, basta kayo! Saka 'pag nalugi ako, sisingilin ko kayo."

Hindi nakatakas sa mga mata ko kung paano umirap si Arwyn kay Mr. Flores. Nang dahil doon, bahagya akong natawa.

"Nagpunta ka dito para bumili, 'di ba?" tanong naman ni Mr. Flores sa kaniya.

Patuloy naman ako sa paglibot ng paningin ko sa kabuuan ng opisina ni Mr. Flores. Maraming naka-display na vinyl sa isang sulok ng room, kasama na ang mga instrumento kagaya ng iba't ibang klase ng gitara. Mayroon pang naka-display na picture ni Mr. Flores noong kabataan niya kasama ang marahil isang singer na hindi ko kilala. May hawak si Mr. Flores na vinyl na may pirma, siguro mula ito sa kasama niya sa picture.

"Siya nga pala, 'yung gitara mo, Arwyn, malapit nang bumigay." Napatingin naman ako ulit kay Mr. Flores at kay Arwyn na nag-uusap patungkol sa gitara ni Arwyn. Ngayon ko lang nalaman na tumutugtog pala si Arwyn ng musical instrument. "Bakit hindi ka bumili ng bago?"

Nakita kong umiling si Arwyn. "Sentimental value."

Kahit hindi ko alam kung bakit sentimental iyon sa kaniya, naiintindihan ko naman siya. Kahit ako, hindi ko basta-bastang pinapakawalan ang isang bagay, lalo na kung ang taong nagbigay nito ay napakahalaga sa akin.

Bigla namang natawa si Mr. Flores kaya nalipat ang tingin ko sa kaniya. "Naalala ko tuloy no'ng nagpunta ka dito, tapos tinitignan mo 'yung gitara na 'yon. Pabalik-balik ka nga rin dito buwan-buwan. Tapos isang araw, pumunta ka dito, umiiyak, may kasama ka pang batang babae."

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako pagkarinig ng kwentong iyon. Hindi ko lang siguro lubos akalain na may ganoong side pala si Arwyn.

"Tss, do you need to remind me how timid I was back then?" naiiritang tanong ni Arwyn. Sa palagay ko, nahihiya siyang maalala ulit ang pangyayaring iyon. Pero parang may kung ano sa loob ko na gusto pang matuklasan ang parteng iyon sa buhay niya.

"Bakit naman hindi? Ang cute-cute mo kayang umiyak!" Umakto naman si Mr. Flores na parang may kinukurot sa hangin. "Naalala mo rin ba na kinukurot kita sa pingi noon?"

The Waves In The OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon