Chapter 29: Lotus Flower

71 9 0
                                    

Bella's POV

It's getting dark, and we decided to go to the resto near the university. Ace insisted na siya na raw ang sasagot, and I can't say no.

"Uy, insan, galit ka pa rin ba kay Nads? Parang wala naman kasi siyang kasalanan, eh," sabi ni Krystal.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko at hindi umiimik.

Hindi ko alam kung ano at sino ang paniniwalaan ko. Pero kaibigan ko si Nads, at inaamin ko sa sarili ko na naiisip ko rin na hindi niya magagawa 'yung ibinibintang nila. Pero kahit gano'n pa man, nasasaktan ako. At the same time, natatakot.

What if Arwyn could fall in love with her?

And that's the fact I'm afraid to face. Arwyn and I are together for many years.

But what if he gets tired? I'm scared of losing him.

"Insan?" tawag sa akin ni Krystal.

"S-sorry, I'm spacing out."

"Napakabait kaya ni Nadine. For sure, misunderstanding lang 'yun!" nakangiting sabi sa akin ni Krystal.

"Hmp, 'di mo sure, girl. Paano kung palabas niya lang 'yong mga kabutihan niya?" mataray na sabi ni Laurenn.

"'Di naman siya ganoong tao!" Krystal piped.

"As I can see, Nadine isn't capable of doing such a thing, Arwyn is," sabi naman ni Ace. Agad naman akong napatingin sa kaniya. "It's better to talk to them, Bella," dagdag pa niya.

"Yeah, I agree to Ace," pagsang-ayon ni Kyrstal.

"Y-yeah, I think you're right," tanging nasabi ko na lang.

"'Tsaka, insan, ang hirap kayang 'di pansinin ni Nads. And lonely siya kanina, need niya ng kausap."

Am I making the right decision? I don't think so.

"A-am I being too harsh?" tanong ko sa kanila at napayuko.

Maybe, I'm thinking too much.

"Hmm, maybe, insan. Pero hindi ka rin naman namin masisisi," Krystal said.

"Yeah, oo nga! It's not your fault for acting like that!" Laurenn spoke up.

"It's natural, though. Lahat naman ng tao ay nasasaktan when they saw someone they love with another person," Ace stated.

Napaangat ang ulo ko at napatingin kay Ace.

Although he has a point, bakit feeling ko ay may pinaghuhugutan siya sa mga sinabi niya?

"Pero 'wag mo sanang kalimutang pakinggan din 'yung side nila. Kita ko naman na maski sila ay nabigla din," pagpalaliwanag ni Krystal.

"Maybe, that's a set up? And they have been framed," sabi ni Ace.

"Tsk, you have a point naman," Laurenn nodded.

"Oo nga! Pero sino kayang gagawa nu'n?" takang tanong ni Krystal.

Set up? Who? Why would they do that? And is there a benefit of doing that? 

Napaisip ako sa sinabing iyon ni Ace, dahil hindi rin malabong mangyari iyon. Pero the question is...

Sino naman ang gagawa no'n?

"Three choices. Someone who hates Bella, someone who hates Arwyn, or Nadine," dagdag ni Ace.

"For sure, someone who hates Nadine!" mataray na sabi ulit ni Laurenn, "first day of school pa lang, madami na'ng naiirita at naiinis sa kanya. Well, including me. Saka hanggang ngayon pa rin naman."

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now