Chapter 27: Nothing

47 8 0
                                    

Nadine's POV

Matamlay akong naglakad-lakad. Walang destinasyong pupuntahan, basta ang alam ko lang ay naglalakad ako.

Huminto ako nang mapagtanto kong nasa entrance na pala ako ng cafeteria. Sakto namang kumalam ang sikmura ko. Bahagya pa akong nagulat dahil konti lang ang tao na nasa loob. Class hours nga pala, at hindi ko iyon namalayan dahil sa issue na bumungad sa 'min kanina.

Dumiretso lang ako ng lakad papasok kahit may naririnig akong bulungan na halatang ako ang pinag-uusapan.

"Nadine!" tawag sa akin ng kung sino.

Unti-unti kong nilingon iyon, at nakita ko si Haeri na papalapit sa akin.

Naharang lang ang daanan niya dahil may mga babaeng dumaan sa dinadaanan niya. Lumapit sa'kin ang isang babae sa dumating, at binuhos kaagad sa akin ang juice na hawak niya na siyang ikinabigla ko.

Kaagad akong nanginig dahil ang lamig ng juice.

"HEY!" Nilapitan ni Haeri 'yung babae na nagbuhos sa'kin ng juice.

Akmang sasampalin na ni Haeri 'yung babae, ngunit sinalag naman ng babae ang kamay ni Haeri. Pero sa pagsalag ni Haeri, tinulak niya ang babae na dahilan ng pagkadulas niya.

"Ouch!" maarteng atungal ng babae.

"Ouch your face!" singhal naman ni Haeri sa kaniya na astang babanatan niya pa.

Kaagad kong hinawakan ang braso ni Haeri para pigilan. "M-magpapalit na lang ako, Haeri," mahina kong sabi. Masiyado na akong napapagod ngayon, at nararamdaman kong paubos na rin ang lakas ko kahit magtatanghali pa lang.

Aalis na sana ako nang biglang hinila ako ng babae gamit ang braso ko. "Who said that we'll let you, huh?!"

Masiyadong mabilis ang mga nangyayari, at ang alam ko na lang ay may mainit na likido na tumama sa katawan ko.

Bahagya akong lumayo at napatalon dahil sa gulat at init na nararamdaman ko.

Kung kanina ay malamig, ngayon naman, mainit?

"Nadine!" sigaw ni Haeri.

Dali-dali siyang lumapit sa babae, at kinuha ang sopas na hawak niya. Iyon ata ang ibinuhos niyang mainit sa akin. Pagkakuha ni Haeri ng sopas, agad niyang binuhos ito sa mukha ng babae.

Hinawakan ko agad si Haeri sa braso niya para ilayo sa babae.

"Oh, ano?! Mainit ba?!" puno ng gigil na sabi ni Haeri habang nanlalaki ang mata sa babae.

"Damn you, bitch! Who told you to spill that... that food to me?!" pagtataray ng babae.

"If I am a bitch, then you're a witch!" patol pa ni Haeri.

"Ooooohhhhh! Away! Away!" Hindi ko namalayan na kumpulan na pala ang mga estudyante rito sa amin.

Kahihiyan na naman 'to.

Hindi ko talaga makuha na imbis na pigilan nila ang away, gusto talaga nilang ituloy pa.

"Haeri, tama na." Pinilit kong huminahon habang inaawat si Haeri.

"Suits you right! You're really a witch with a slut beside you!" sigaw pa ng babae.

Kaagad naman akong napayuko, dahil alam ko naman na ako ang tinutukoy niyang 'slut'.

Narinig ko naman ang hagikgikan ng ilan na nakapalibot sa amin.

"Nabingi na ata, pre!" sabi pa ng isa.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now