SPECIAL CHAPTER #2

296 13 5
                                    

[BEACH OUTING: THANK YOU!]

Munchy's POV

♡♡♡

"Sobrang saya ko talaga sa mga kaibigan natin." Sambit bigla ni Ken sa kalagitnaan ng paglilibot namin dito sa resort.

"Oo nga e..." Sambit ko na lang din bilang pagsang-ayon sa sinasabi niya habang ang paningin ko ay nasa harapan ito.

"Masaya ka ba talaga?" Biglang tanong nito.

Napalingon ako sa kanya na ikinatama ng tingin namin sa isa't-isa. "Oo naman." Sagot ko nito.

"Sobrang saya ko ba talaga na makitang masaya at nagmamahalan ang kaibigan natin?" Tanong nito ulit.

"Sobra-sobrang saya ko sa kanila," Sambit ko nito. "Lalo na kay Ethan na pinsan ko, sobrang saya ko para sa kanya na nakita ko ang masarap na ngiti dahil kay Eunice." Dugtong ko nito.

Napatango naman siya sa sinabi ko bago siya nagsalita. "Ako rin sobra-sobrang saya rin ako sa bestfriend kong si Eunice, sobrang saya ko para sa kanya dahil masaya din siya sa relasyon nila ni Ethan."

Ewan ko, pero ramdam ko sa pananalita niya na may konting pait e. Hindi natin masisisi ang lalaking ito, magkaibigan sila ni Eunice e bago pa dumating si Ethan kay Eunice.

"Masaya ka ba talaga o nagpanggap ka lang na masaya?" Tanong ko nito na ikinatahimik ko sa sinabi niya.

Napahinto pa ito sa paglalakad na ikinahinto ko rin sa kanya.

"Dito muna tayo." Biglang sambit niya at umupo ito sa may buhangin.

Napaupo na lang din ako sa tabi niya para damayan siya.

"Sa totoo lang Munchy, nakakaramdam ako ng konting inggit kay Ethan e. Sobrang swerte siguro ng pinsan mo kay Eunice e, nakita ko kasi kay Eunice 'yong maliwanag na mundo e." Sambit nito na nakatingin sa langit na dumidilim na at unti-unti ng lumabas ang buwan at mga bituin.

"Sobrang swerte talaga..." Sambit ko na lang nito. "Pero feeling ko naman na maswerte sila sa isa't-isa dahil nga mahal nila ang isa't-isa." Dugtong ko nito.

Napatingin siya sa akin na ikinatama na naman ng tingin namin sa isa't-isa.

"Tama, maswerte sila sa isa't-isa dahil mahal nila ang isa't-isa." Sagot nito at ngumiti ito.

Ewan ko ba, pero ang cute pala ngumiti ng lalaking ito. Ang swerte din ni Eunice dahil minahal siya sa lalaking ito.

"Munchy..."

Napailing na lang ako dahil feeling ko natulala ako sa harapan niya. Napatulala ako sa kagwapohan niya.

"Maswerte ba ako sayo?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko sa sinabi niya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko nito.

"Sabi ko, maswerte ba ako sayo?" Tanong nito ulit.

"Ewan ko sayo!" Sambit ko at umiwas ng tingin nito.

"Munchy...." Kalabit niya sa balikat ko na ikinatingin ko sa kanya.

"Bakit na naman?" Tanong nito sa kanya na sabay tingin.

"May tanong lang ako sayo..."

"Ano 'yon?" Sambit ko nito.

Napabuntong hininga na lang siya nito at napakaseryoso ang mukha nito na tiningnan ako nito.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon