BBTCR 58: Confess

346 22 8
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

*KRINGGGGG*

"Class Dismissed!" Sambit ng Proffesor namin ng Biglang magring ang bell.

Ito ang last subject namin sa hapon, kaya naman nagsitayuan na kami para makauwi na sa bahay namin.

"Eunny, magkikita ba kayo ni Ethan ngayon?" Tanong ni Ken sa akin.

"Oo." Sagot ko.

"Magdedate kayo?" Tanong naman ni Mirriam na nakangiti pa.

"Yon ang sabi niya, siguro babawi lang siya kasi more than 1 week na rin siyang nakafocus sa pagiging representative niya kaya parang wala na siyang time sa akin masyado." Sambit ko nito.

Oo, tama kayo. Sobrang busy kasi ni Ethan e, hanggang ngayon nasa office lang siya nakatambay. Mukhang busy masyado kasi si Mr. President, hindi nga kami masyadong nakapag-usap mg matino e. Kahit sa auditorium namin, hindi kami nakapag-usap ng marami ni Ethan.

"So ano plano mo ngayon? Pupuntahan mo siya sa office nila?" Tanong ni Mirriam.

"Oo." Sagot ko nito.

"Gusto mo samahan ka na namin? Ihahatid ka na namin?" Alok ni Ken sa akin.

"Naku, wag na. Kaya ko na naman pumunta sa office e." Sagot ko nito.

"Okay, tara na nga." Sambit ni Mirriam sa amin ni Ken.

Lumabas na nga kami sa classroom namin para sa destination namin. Si Ken at Mirriam lalabas na sa campus while ako papunta sa SSC Office ng University.

☆☆☆

Nang makarating ako sa Office ng SSC napabuntong hininga pa ako bago kumatok ito.

*Knock* *Knock* *Knock*

Pinihit ko naman ang doorknob bago ito binuksan at pumasok. "Good afternoon po." Sambit ko dito sa mga SSC officers na nakaduty na sobrang busy pa ito.

"Si Mr. Natividad po ba ang pinunta mo dito Ms. Madrigal?" Tanong ni Mr. SSC-President na si Akihiro na sobrang gwapo.

"Opo." Sambit ko nito.

"Nasa room niya, puntahan mo na lang siya kaya lang medyo busy siya e." Sambit nito sa akin.

"Sige po." Sagot ko nito at nagtungo na sa mini room office niya dito.

Agad naman akong kumatok at pumasok nito, nakita ko naman na nakatutok si Ethan sa laptop niya na sobrang busy pa ito.

"Baby ko." Sambit ko nito ng makapasok ito.

Napatingin naman siya sa akin na parang nagulat pa. "Baby ko, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

Awtomatiko naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ha? Akala ko ba may lakad tayo?" Tanong ko at umupo sa upuan na nasa harapan niya.

"Ahmm... May sinabi ba ako?"

"Oo." Sagot ko nito.

"Sorry, kung nakalimutan ko. Andami ko kasing dapat taposin e, hindi ko naisingit sa schedule ko. May ginagawa pa kasi akong programs para sa event ng school at Club Festival." Sambit nito sa akin.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Busy ka?" Tanong ko ulit bago tumingin sa kanya.

"Oo, kailangan ko kasing taposin ito dahil bukas may iba na naman akong gagawin, may iba na naman akong aasikasohin." Sambit nito habang nakatutok ang paningin sa laptop niya.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now