BBTCR 13: Meeting Advancy

529 25 30
                                    


Ethan's POV

♡♡♡

Rinig na rinig ko ang sigawan at ingay sa auditorium na ito, kahit hindi pa ako lumabas ng stage para makita ang mga freshmen students, alam ko na madaming students ang nakaabang na sa paglabas ko.

"Ready ka na ba?" Sambit ni Dylan na kasama ko dito ngayon sa backstage.

"I'm ready." Sagot ko lang.

"Basta focus ka lang kung anong platforms natin, tapos wag kang madidistract sa kalaban mo. Alam mo naman diba na sobrang ganda 'yun kaya naman-----"

"Wag mong agawin sa akin, bwis*t ka!" Sambit ko nito na ikinatawa na lang niya.

"Good day, freshmen students," Sambit sa lalaking boses na 'yun. Kilala ko ang boses na 'yun, walang iba kundi si Mr. SSC-President Akihiro Sebastian. "Narito tayong lahat upang saksihan ang Meeting  Advancy sa dalawang tumakbo na freshmen representative upang silaysay at ipaliwanag ang kanilang mga plataporma. Sa pagkakataon na ito, ating usisahin ang dalawang manunungkulan o gustong kumakatawan sa pagiging pinuno sa buong 1st year college," Sambit nito. "Students, ready na ba kayo sa bakbakan ng talakan at sagutan na masasaksihan natin ngayon?" Tanong nito na ikinahiyaw ang mga lahat.

"YEESSSSSSS!"

"HOOOOOOH!

"KYAAAHHH!"

"Ito na! Tatawagin na natin ang unang kalahok from the Leaders of our Dearest Institution kung saan ako nanggaling LODI Party, please around of applause running for freshmen representative ETHAN NATIVIDAD!" Sambit ni Mr. SSC-President na ikinahiyaw lahat.

Kaya tumayo na ako at inayos ang shirt ko bago lumabas ng stage.

At ito na lang ang gulat ko na nahati pala ito sa dalawang grupo, kung saan ang nasa kaliwa ko ay Pink Team, while sa kanan naman Red Team kung saan ako nanggaling.

Grabe naman ang supporters ko may pabanners pa sila, napasmile na lang ako sa effort nila.

"At ito na, ang ikalawang kalahok from the PETMALU Party, she is running for freshmen representative EUNICE MADRIGAL, please around of applause." Sambit naman ni Mr. Akihiro Sebastian na ikinahiyaw naman ng kabilang team.

Iba din e, sobrang tinik ang makakalaban ko. Napatingin na lang ako kay Eunice na lumabas ito ng stage.

Grabe! Ganda naman ng baby ko, simple lang naman ang make-up niya pero iba ang tama niya sa akin.

"Okay," Napabalik ako sa realidad sa boses na 'yun at umupo na lang sa may upuan dito sa stage. "Students take your seats, paalala lang po sa lahat ng students dito, makinig po tayong lahat upang kilatisin ang dalawang tumakbo bilang freshmen representative, kung may katanungan naman po kayo ireserve niyo lang po muna 'yan, at maghintay sa open forum," Paalala naman ni Mr. Storm Alfonso na SSC- Vice President dito sa University. "At sa dalawang kalahok naman natin, paalala lang po, for your introduction we will give you 2 minutes para kumbinsihin ang mga students na iboto kayo," Dugtong nito. "Ang now, let's the battle begin--- I mean simulan na natin, so sino ang gustong mauna?" Tanong ni Mr. Storm Alfonso sa aming dalawa ni Eunice.

Nagkatinginan kaming dalawa ni baby ko, kaya nangitian na lang kami.

"Ikaw na." Sambit nito sa akin na ikinatango ko sa kanya.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now