BBTCR 27: Cheesy

522 26 42
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Napaupo ako sa sofa ng makarating kami sa bahay namin. Nakakapagod ang araw na 'to. Hays.

Napatingin naman ako sa mga Sissy ko ng makapasok ito.

"Kwarto muna ako, stress ako ngayon." Sambit ni Nicole at nagmamadaling umakyat.

"Ako rin, tawagin niyo na lang ako kung kakain na." Sambit naman ni Maggie at umakyat ito sa taas.

Alam na namin ang nangyari sa Cheering Squad nila at ang tatlo na si Nicole, Maggie at Mira ay nagback-out dahil sa nangyari sa kanila. Mukhang nagkakasagupaan na naman ang kamalditahan between Madrigal Sisters and Maxene Squad. Pero okay na rin siguro ang desisyon nila na umalis para makaiwas sila sa gulo sa Max at pinsan ni Max na Senior.

By the way, speaking of Mira pala idinaan namin siya sa Cafeteria bago kami umuwi dito sa bahay.

"Hays." Sambit ni Eunice at umupo sa tabi ko.

"Anyare?" Tanong ko.

"Ikaw nga dapat kong tanongin ng ganyan 'di ba?" Sambit nito na ikinakunot ko. "Anong nangyari sayo?" Tanong nito.

"Ha? Anong nangyari ba?" Takang sambit ko.

"Akala mo hindi ko napapansin? Kanina ka pa tahimik 'ha? May nangyari ba?" Tanong nito sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako bago nagsalita. "Oo." Sagot ko.

Napaayos siya sa pagkakaupo at seryosong tiningnan ako. "Ano?" Tanong nito.

"Si Kyler kasi simula sa class namin pagkatapos ng P.E, hindi ako pinansin mukhang nagtampo si loko." Sambit ko nito.

"Ano ba ang ginawa mo?" Tanong ko.

"E, inihatid lang naman ako ni Tristan at binigyan niya lang ako ng biscuit na Rebisco." Sagot ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sagot ko. "Sinong Tristan?" Tanong nito.

"Yung classmate natin na cute, tapos ang pogi niya 'yung nakaupo sa likod ko kanina." Sambit ko nito.

"Ahh..." Sambit na lang nito na nakatingin pa sa likod.

Napatingin naman ako sa likod ko at ganun na lang ang gulat ko ng makita si Kyler na nakabusangot ito.

"Kyler, anong ginagawa mo dito? Paano ka naka pasok?" Tanong ni Eunice.

"Ahm... Bukas kasi ang gate kaya pumasok na lang ako," Sabi nito. "Pinabibigay pala ni Ethan, Eunice." Sambit nito at inabot ang Cal Cheese na hawak niya.

Napakunot naman ang noo ko pati na rin si Eunice pero tinanggap niya naman ang biscuit na inabot ni Kyler.

"Cal Cheese? E, Kailan bumili si Ethan ng Cal Cheese para ibigay sa akin?" Kunot noong sambit ni Eunice.

"Ngayon lang," Sagot nito. "Sige alis na ako." Sambit nito at tumalikod ito at humakbang palabas.

"Sandali!" Sambit ni Eunice na ikinahinto ni Kyler sa paghakbang. "Hindi mo ba kakausapin ang girlfriend mo?" Tanong ni Eunice.

"Kausapin niya na lang ang rebisco niya." Sambit nito at tuluyan ng lumabas sa bahay.

Napatawa na lang si Eunice sa inasta ni Kyler.

"Ewan ko sa inyo, kausapin mo 'yung Cal Cheese mo. At alam ko para sayo talaga 'to," Sambit ni Eunice at binigay ang Cal Cheese na binigay ni Kyler. "Sige, magluluto muna ako." Sambit nito at tumayo at nagpunta sa kusina.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now