BBTCR 40: Duwag na Kyler

527 27 19
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

"Babe naman e, sasamahan na nga kita." Pangungulit sa akin ni Kyler.

"Babe, mauna ka na nga sa classroom. Nakakabwisit ka talaga!" Inis na sambit ko sa boyfriend ko.

Napabuntong hininga naman siya bago nagsalita. "Ayaw ko nga, gusto ko na sabay na tayo sa papasok sa class natin. Sasamahan na nga kita sa locker mo." Sambit nito at nag-pout pa.

"Babe, gusto mo ba talaga na magalit ako sayo? Gusto mo ba 'yon?" Taas kilay ko na tanong sa kanya.

"Hindi." Sagot nito at umiling pa.

"Kung ganon, umalis ka na mauna ka ng pumasok sa class natin. Kung ayaw mong sumunod, edi wag mo akong kakausapin dahil hindi kita papansinin." Sambit ko nito na ikinabuntong hininga at ikinatalikod ko.

Nakakaasar kasi minsan 'tong si Kyler todo buntot na lang ng buntot sa akin. Nakakasawa rin makita 'yong mukha niya dahil paulit-ulit na lang dahil magkapit-bahay lang kami tapos magkakaklase pa. Mas maganda siguro 'yong SHS pa lang kami dahil mararamdaman mo talaga na miss mo na siya dahil magkaiba kami ng class. Pero ngayon? Sobrang nakakabwisit na, Hihihi joke lang. Mahal ko naman 'yon e.

Naramdaman ko naman na hindi siya sumunod sa akin kaya minadalian ko ang paghahakbang ko upang makarating na sa locker ko.

☆☆☆

Nang makarating ako sa locker ganun na lang ang gulat ko ng makita si Tristan na tiningnan ang locker cabinet ko mismo.

Nilapitan ko siya ng dahan-dahan na ikinatingin niya sa akin.

"Tristan." Sambit ko.

"C-Chesca ikaw pala." Sambit niya na nauutal pa at mukhang may tinatago pa sa likod niya.

"Ano 'yang nasa likod mo?" Usisa ko sa kanya.

"Wala wala.." Sambit nito.

Napakunot na lang ang noo sa sagot niya at inikot ang paningin niya sa paligid.

Mukhang nagsialisan na naman ang ibang students e, mukhang papasok na sila sa kanilang mga klase.

Binuksan ko naman ang locker ko at kinuha ang mga libro ko na gagamitin ko sa session na ito.

Pero ewan ko ba mukhang nagugulohan ako kay Tristan. Ano ba kasi 'yong nasa likod niya na parang tinatago? Rebisco ba 'yon? Hihihi.

Sinirado ko na ang locker ko at tiningnan ang paligid at nandito pa pala siya.

"Andito ka pa? Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita na naman. "Hatid na kita."

"Wag na, kaya ko naman ang sarili ko." Sambit ko sa kanya.

"Kung ganun edi, para sayo pala." Sambit niya at sabay abot ng rebisco sa akin.

Napangiti na lang ako habang tinanggap ito. Medyo tama ako na rebisco ang tinatago niya kanina.

Hihihi.

"Thank you," Sagot ko at ngumiti. "Mukhang sinanay mo ako 'ha." Biro ko nito.

"Dahil special ka." Sagot nito na ikinalaki ng mata ko.

Grabe! Bawal mag-assume, may boyfriend pala ako. Hihihi.

"Baliw, mauna na ako sayo." Sambit ko nito na natatawa pa.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now