BBTCR 42: Recruit

449 32 38
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

*KRINGGGGGGGG*

"Class Dismissed!" Sambit ng Pro namin na ikinatayo ng mga kaklase ko.

Ito na ang last class namin sa hapon at ngayon uuwi na kami sa bahay namin.

"Ky, Chez mauna na ako sa inyo pupuntahan ko pa si Maggie e." Sambit ni Miko sa amin.

"Sige." Sagot namin.

Pero? Wait, mukhang nagkakamabutihan na ang dalawang 'yon. May something? Hihihi.

"Tara na Babe." Sambit ni Kyler sa akin at kinuha ang mga libro ko.

Ngumiti ako sa kanya bag ko inabot ang kamay ko sa kanya. E, nakasanayan na kasi namin 'to e. Always niyang hawak ang kamay ko kung saan man kami pupunta.

"Babe, dumaan muna tayo sa locker ilagay ko lang ang mga books ko. Wala naman tayong assignment para bukas e." Sambit ko sa kanya.

"Okay Babe." Sagot niya at ngumiti sa akin.

Buti na lang mabait siya ngayon, hindi umandar ang pagkapervert niya. Hihihi.

"Babe." Sambit nito sa akin ng nasa kalagitnaan kami sa paglalakad papunta sa locker.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala ba akong kiss?" Sambit nito na ikinabuntong hininga ko.

Shyteee.....

"Babe, namimihasa ka na masyado e. Pwedeng mamaya na lang." Sambit ko sa kanya.

"Okay, basta marami ha," Sambit nito at ngumiti. "Ahmm... Dese nuwebe ulit." Dugtong nito na ikinairap ko sa kanya.

"Kung hindi mo ako mabwisit." Sambit ko na ikinapout niya.

"Hindi kita bwibwisitin, basta dese nuwebe ulit." Sambit nito ulit.

"Kung nasa mood ako." Sabi ko ulit sa kanya.

"Hays." Sambit na lang ito sa akin.

Mukhang sumuko siya sa akin. Hihihi, ayaw na makipagtalo sa akin.

☆☆☆

Nang makarating kami sa locker, awtomatiko namang dumugtong ang kilay ni Kyler ng makita si Tristan na nakasandal pa sa locker ko mismo.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa anong mangyari ngayon. Shyteee! Paano ba 'to? Nangako pa naman ako kay Kyler na hindi kakausapin si Tristan.

Hays.

Naglakad kami papalapit kay Tristan na ikinayos niya sa pagtindig.

"Chesca." Sambit nito sa akin na ngumiti pa na napakalaki.

Napatingin ako kay Kyler na sobrang sama talaga ang tingin nito, napahigpit naman ang pagkahawak niya sa kamay ko. Grabe! Mukhang gusto ng manuntok si Kyler.

"Anong ginagawa mo dito?!" Taas noong tanong ni Kyler kay Tristan.

"Galit ka?" Nakangiting tanong ni Tristan kay Kyler naman.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now