BBTCR 54: Death Threat

530 23 18
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

"Babe, samahan na kita." Sambit nito sa akin at inakbayan ako.

Hays, ito na naman siya e. Dikit na dikit na lang siya palagi sa akin, parang magkakamukha na tuloy kami ng lalaking 'to.

Ewan ko sa lalaking ito, kung saan ako pupunta sunod ng sunod lang talaga siya sa akin. Mukhang gusto niyang mag-apply sa pagiging buntot ko e.

"May magagawa pa ba ako? Kung hindi ako papayag na samahan ako." Irap na Sambit ko nito.

"Sungit mo Babe, ang aga-aga nagagalit ka na naman e." Sambit niya at nag-pout ito.

"Hays, ewan ko sayo. Pinabadmood mo kasi ako Mr. Alfonso!" Sambit ko nito.

Napabitaw siya sa pagkakaakbay sa akin at tiningnan ang likod ko. Anong trip ng lalaking ito?

"Hindi ka naman dinadatnan ha, bakit-----"

"BWISIT KA!" Sigaw ko nito at nagmamadaling naglakad.

"Babe, joke lang." Sambit nito at tumawa pa.

Nakakabwisit! Tumawa pa talaga ang bwisit! Kakainis talaga ang lalaking 'yon.

♡♡♡

Nang makarating ako sa locker ko agad ko naman binuksan ang ito para kunin ang mga libro ko.

Wait! May envelope na naman. Kanino kaya ito? Kinuha ko ito at tiningnan ito.

"Ano na naman ba 'yan?" Napatingin ako sa dumating na si Kyler.

"Ewan ko mukhang sa Secret Admirer ko na naman 'to galing." Sabi ko na nakangiti.

Napakunot naman ang noo niya at agad itong hinablot sa mga kamay ko.

"Hoy! Akin na yan!" Inis na sambit ko sa kanya.

Pero pilit pa niyang tinaas ang envelope na natanggap ko. "Ano ba!" Sambit ko at tumalon pa para makuha pero hindi niya talaga binigay.

"Babe, Wait nga lang. Relax lang titingnan ko lang kung sino 'tong nagpadala sayo dahil hahanapin ko to at gugolpihin." Sambit nito.

"Loko! Wag naman ganon." Sambit ko nito.

"Babe, babasahin ko lang kong kanino 'to galing." Sambit nito sa akin na ikinabuntong hininga ko na lang.

Binaba na nga niya ito at agad kinuha ang laman nito. Mukhang binasa na nga niya, pero kunot noo nito habang binasa.

"Mukhang wala talaga siyang balak na tigilan tayo! Nagpaparamdam na naman siya." Inis na sambit nito.

"Ha? Sino ba 'yan?" Sambit ko nito ko akmang kukunin ang envelope pero bigla niya lang itong pinunit.

Shyteee.... Wahhhh!

"Anong ginawa mo?!" Inis na sambit ko nito sa kanya.

"Pinunit ko."

"Bakit mo nga pinunit?!" Sambit ko nito ulit.

"Kay Tristan 'yon galing. Siya ang secret admirer mo." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko.

"Pero bakit mo pinunit?" Tanong ko nito na kalmado na.

"Bakit ko naman siya hindi pupunitin? Alam mo naman na traydor 'yon diba. Anong gusto mong gagawin ko ngayon, ibibigay ko ang envelope sayo na galing sa mortal kong kaaway? Hindi ko naman hahayaan mapapahamak ka, Babe." Sambit nito na ikinairap ko.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now