BBTCR 72: Ikaw lang

465 27 50
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

"Kailan papasok si Eunny? Namimiss na namin siya e." Sambit ni Mirriam sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Edi puntahan mo siya!" Sagot naman agad ni Dylan na ikinairap ni Mirriam.

"Tsk! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Pasigaw naman na sambit ni Mirriam sa kaharap niya na si Dylan.

"Tsk! Hindi rin ikaw ang kinakausap ko." Panggagaya pa ni Dylan sa sinabi ni Mirriam at pati boses ginaya rin.

"Tsk!" Sambit ulit ni Mirriam.

"Tsk!" Gaya ulit ni Dylan.

Napairap na lang si Mirriam at napainom sa milktea niya.

"Ahmm... Totoo ba talagang wala na sina Eunny at Ethan?" Tanong naman ni Ken.

"Bakit parang interisado ka?" Tanong ni Munchy kay Ken.

"Syempre, bestfriend ko siya. Syaka ano naman ang paki-alam mo?!" Taas noong sambit ni Ken kay Munchy.

"Hoy! Nagtatanong lang ako ha, kaya naman wag kang sumagot na taas noo." Sambit ni Munchy sa akin.

"May tupak rin 'to e, sobrang feeling close. Pero tama bang nakita ni Eunice si Ethan na may kahalikan na iba kaya sila naghiwalay?" Tanong na naman ni Ken sa amin.

Nagkatinginan naman kaming lahat bago nagsalita. "Oo." Sagot namin ng sabay.

*Boogsh*

Napalaki ang mata namin ng biglang sampalin ni Ken ang table at tumayo pa ito bago nagsalita. "E, loko pala ang Ethan na yon e!" Sambit ni Ken na galit na galit pa.

Napalingon naman ako sa paligid ng makuha ni Ken nag atensyon ng mga tao dito.

"Wow! Galit na galit sa pinsan ko, gustong manakit?!" Sambit naman ni Munchy na tumayo na rin ito habang tinaasan ng kilay si Ken.

"Pinagtatanggol mo ba ang kupal na Ethan na 'yon?!" Sambit ni Ken.

"Bakit hindi? Pinsan ko siya e, syaka hindi naman ginusto ang nangyari. Hindi siya ang unang humalik at hindi niya gusto ang paghalik sa Anna na 'yon." Sambit ni Munchy kay Ken.

"Tama na 'yan." Awat ni Steven sa dalawa.

"Oo nga, tama na 'yan. Wag niyo ng pagtalunan sina Eunice at Ethan, gayahin niyo ako na masaya lang." Sambit ni Dylan na ngumiti pa ito ng napakalaki.

"Masaya ka ba dahil naghihiwalay si Eunny at Ethan?!" Taas kilay na sambit ni Mirriam.

"Slight dahil medyo may pag-asa na akong maging kami ni Eunice, liligawan ko na siya." Sambit ni Dylan.

"Hindi ka sasagotin ni Eunice! Basted lang ang aabutin mo!" Inis na sambit ni Mirriam kay Dylan.

"Selos ka lang e, nagseselos ka ba?" Nakangiting sambit ni Mirriam.

"In your dreams.."

"You're my dream girl Ria, kaya wag ka ng magselos diyan." Sambit ni Dylan na ikinairap ni Mirriam at umiwas pa ito dahil namumula ang mukha niya.

"Iba ka talaga Dee, namumula si Mirriam e." Bigla namang sambit ni Zeke na nasa tabi ko.

"Kinikilig siya insan e, boto ka ba sa amin ni Ria?" Sambit na naman ni Dylan na ngumiti pa.

"Oo naman." Sagot ko ni Zeke.

"Tsk!" Sambit agad ni Mirriam.

Napatawa na lang kami sa dalawa dahil aso't pusa pa rin talaga sila gaya ng simula at dumagdag pa si Zeke na pinsan ni Dylan na sinabayan pa ang trip ng pinsan niya.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now