BBTCR 22: Trouble

485 29 9
                                    


Drake's POV

♡♡♡

Papunta kami ngayon sa lugar na sinabi sa bwisit na Tyron ngayon. Akala niya siguro na hindi ko siya lalabanan, hindi ko siya uurungan ngayon.

Napatingin ako sa wrist watch ko 5:30 PM na pala, ang Madrigal Sisters umuwi na sila at pinauna na namin sila sa pag-uwi.

Naging okay naman ang araw namin sa school at gaya ng nakasanayan sa break time lang kaming lahat nagkakasama lahat sa school at hindi talaga maiiwasan ang away at bangayan sa pagitan naming sampu e.

"Nandun na ba si Tyron sa sinabi niyang lugar?" Tanong ni Ethan sa akin.

"Hindi pa siya ulit nagtext." Sagot ko lang.

Oo, sumakay ako sa kotse ni Ethan dahil wala siyang kasama dahil nga pinauna na niya si Eunice. Habang sina Steven, Miko at Kyler naman nasa kabilang kotse ni Kyler.

*Tit* *Tit* *Tit*

Tiningnan ko ang phone ko ng tumunog ito.

Unknown Number

+63935*******

Nasaan ka na? 😖 Nandito na ako. Bilisan mo na, ayaw ko pa naman na pinaghihintay ako. 😠

"Sino 'yan? Si Tyron na ba 'yan?" Tanong ni Ethan sa akin.

"Oo, si Tyron nandun na daw siya." Sagot ko.

"Sige bibilisan ko lang ng konti." Sambit niya bago binilisan ang pagmamaneho.

Napatingin naman ako sa side mirror na nakasunod na kotse sa amin ni Kyler.

*RINGGGGGGGGG*

Napatingin ako agad sa phone ni Ethan ng may tumawag nito. Kinuha niya naman ito agad at tiningnan.

"Sino 'yan?" Tanong ko.

"Si Eunice," Sagot niya. "Sagutin ko lang." Sabi niya at pinindot ito.

["Hello."] Nakaloudspeaker pala ito.

"Hello, baby ko?"

["Nasaan kayo? Hindi pa kayo nakauwi ng bahay niyo 'ha?"] Sambit nito sa linya.

Napatingin si Ethan sa akin.

"Ako na...." Sambit ko at dinampot ang phone ni Ethan at sinagot ang tanong ni Eunice para makafocus si Ethan sa pagmamaneho. "Eunice si Drake 'to."

["Drey saan ba kayo ngayon?"] Tanong nito.

"Ahmf... Pauwi na pero may dadaanan lang, wag kang mag-alala uuwi naman ang boyfriend mo e, wag ka namang pahalata na miss mo na siya agad." Sambit ko.

["Loko!] Sambit niya sa linya.

"Akin nga 'yan, inaano mo ang girlfriend ko e," Pag-agaw ni Ethan sa phone niya. "Baby ko, mamaya na lang 'ha. Nagmamaneho pa kasi ako e, wag kang mag-alala pupunta ako agad sa inyo pagdating namin d'yan. I love you baby ko. Bye na." Sambit ni Ethan bago binaba ang phone.

Battle between the Campus RoyaltiesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora