BBTCR 35: Plano

502 25 22
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

"Eunny, mauna na ako sa inyo. Ingat kayo pauwi." Sambit ni Ken sa akin ng nasa palabas na kami ng gate.

"Sige, ingat ka Ken," Sambit ko sa kanya na ngumiti pa. "Syaka salamat pala sa donuts mo 'ha, sobrang sarap pa rin walang kupas." Dugtong ko.

"Oo naman..." Sambit naman ni Ken na ngumiti pa sa akin.

"Ahermmm...." Napatingin ako sa katabi ko ng umigham na naman ito.

"Ano na naman 'yan?" Tanong ko kay Ethan.

"Wala." Diretsong sagot niya.

"Sige na nga alis na ako." Sambit ni Ken at pumara ito ng taxi.

Hays, si Ken na mismo ang nag-adjust para kay Ethan. Sobrang seloso naman kasi 'yong boyfriend ko e.

By the way, katatapos lang namin magclass for NSTP-CWTS. Kaya ito uuwi na kami sa mga kanya-kanya naming bahay.

"Guys, pwede bang magtaxi na lang kayo umuwi?" Sambit ni Kyler sa mga boys.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ni Miko.

"Ihahatid ko lang ang girlfriend ko." Sambit ni Kyler na ngumiti pa ito habang dala niya ang gamit ni Chesca at nakapulupot ang isang kamay niya sa bewang nito.

"E, may kotse naman kami e." Sambit naman ni Maggie.

"Madrigal Sisters, kailangan ko ihatid si Chesca okay. Sa totoo lang wala akong tiwala sa inyo e, baka pabayaan niyo ang girlfriend ko. Sakit pa naman puson nito." Sambit pa ni Kyler na nagpataas ng mga kilay namin.

"Kami pa talaga ang konontra mo Kyler? Hoy! Kung wala kang tiwala sa amin, mas lalong wala kaming tiwala sayo." Sambit ni Nicole.

"Ah Basta! Ihahatid ko na lang ang girlfriend ko, aalagaan ko pa 'to pagdating e." Sambit ni Kyler.

"Babe, wag na lang. Sa mga Sissy na ako sasabay pauwi." Sambit ni Chesca kay Kyler.

"Babe, please. Wag nang makulit kailangan kitang alagaan, nag-alala ako ng sobra sayo. Mas mabuting nandito ako sa tabi mo para maalagaan kita." Sambit ni Kyler kay Chesca.

"Alam mo Babe. Sobrang OA mo talaga, okay nga lang ako, daig mo pa ang mga magulang ko na mag-alala sa akin e." Sambit ni Chesca na umirap pa ito.

"Syempre naman. Baka sabihin ni Daddy at Mommy na pinabayaan kita diba, syaka ayaw ko naman na magsakit ang yakult ko e." Sambit ni Kyler.

Ang arte naman ng Kyler na 'to. Kailan pa naging yakult si Chesca? Aber!

"Basta magtaxi na lang kayo." Sambit ni Kyler sa mga boys bago sila nagpunta sa parking lots para umalis ito.

Hays, kawawa naman ang boys magtataxi sila dahil isang kotse lang ang gamit nila, 'yon ang kotse ni Kyler.

"By the way, I have to go na rin magtataxi na lang ako pupunta pa kasi ako sa Cafeteria e." Sambit ni Mira sa amin.

"Ihatid ka na-----"

"Wag na," Pagputol ni Drake sa sinabi ko. "I mean wag mo nang ihatid si Mira, pupunta rin kasi ako sa Cafeteria e." Sambit nito.

Oo na! Sila na ang mga Independent. Sana All magkasundo sa pagdating sa trabaho pero in personal mukhang malabo pa ang mga ito.

"Ahh okay." Sagot ko na lang.

"Tara na." Sambit ni Drake kay Mira.

"Sama na ako sa inyo." Sambit ni Mirriam kina Drake at Mira.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now