BBTCR 39.2: Truth or Dare

488 27 8
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

"Humanda kayo gaganti ako!" Banta ni Mirriam sa Amin.

"Hahahaha..." Napatawa na lang kami sa pagbabanta ni Mirriam sa amin bago niya inikot ang bote.

Sobrang seryoso naman ang lahat habang tiningnan ang bote na unti-unting itong humina at gusto ng huminto.

"Amanda." Sambit namin mg tumapat ang bibig ng bote kay Amanda.

"Ito na siguro para makabawi ako." Sambit ni Mirriam na ngumiti pa na may plano.

"Hoy! Anong pinaplano mo?" Tanong ni Amanda.

"Truth or Dare?" Tanong ni Mirriam.

Napaisip naman si Amanda bago nagsalita. "Dare."

"Kung ganun, napapatawad mo na ba si Hunter?" Tanong ni Mirriam.

"Mirriam, dare ang pinili ko hindi truth." Sambit ni Amanda at umirap.

"Kaya nga, kung napatawad mo na ba siya?" Tanong na naman ni Mirriam.

"Bakit ko naman 'yan sasagutin e, hindi nga Truth ang pinili ko." Sambit ni Amanda ulit.

"Hays, hug mo nga si Hunter kung okay ka na talaga." Sambit ni Mirriam na ikinalaki ng mata ni Amanda.

"Sige na, hug mo na si Hunter kung napatawad mo na ba siya couz." Sambit naman ni Mira sa kanya.

Napatingin naman kami ni Hunter na napabuntong hininga pa ito.

"Ano na? Dare is a dare?" Sambit ni Mirriam ulit.

"Fine." Sambit nito at agad tumayo at niyakap si Hunter.

"🎵Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig🎶"

"Ayieeeeeee....."

"Ahoooohhh!"

Kansyaw namin na ikinirap ni Amanda bago bumalik sa pwesto niya.

"Babawi ako mga bwisit kayo!" Sambit ni Amanda at inikot na ang bote nito.

Napatawa na lang kami sa inasta ni Amanda dahil mukhang bitter masyado sila ni Mirriam I mean hindi pa nakamove-on si Amanda kay Hunter e.

Hihihi.

"Nicole." Sambit nila.

"Hala..." Sambit ko na lang.

"Nicole, it's your turn," Sambit ni Amanda na mukhang may binalak pa si loka. "Truth or Dare?" Tanong nito.

Ano ba ang pipiliin ko? Mukhang may masamang balak si Amanda sa akin e.

"Ahmf-- Dare." Sambit ko.

"Wala akong naisip na challenge para sayo 'yong tipong mapapahirapan ka talaga," Panimula nito sa akin. "Ito na lang, hanggang matapos ang laro na ito dapat something word lang ang maririnig namin sayo at mag-start ngayon din." Sambit nito.

"Grabe-----"

"Ops! Nagsimula na, dapat something nga lang. Kung hindi ka susunod may punishment ka pa 'yon ang pagliligpitin lahat ng kalat dito sa bahay na 'to." Sambit nito ulit na ikinairap ko.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now