BBTCR 15: Kiss

701 30 8
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

SATURDAY ngayon at nandito kami ni Chesca sa living room nagrerelax, I mean ako lang pala ang nagrerelax ngayon dahil si Chesca mukhang busy pa ito sa assignment niya.

Ewan ko nga kung bakit may assignment siya e may batas na namang pinatupad na 'No Assignment Policy'.

Hays

"Sissy..." Napatingin kami kay Nicole na kabababa lang ng hagdan na bihis na bihis pa ito.

"Saan punta mo?" Tanong ko sa kanya.

"MyGosh! Akala ko ba nagkakaindihan na tayo... Bakit hindi pa kayo nakabihis? Di ba mamasyal tayo ngayon? Saturday is our date. Saturdate." Sambit nito na napabuntong hininga pa.

"Sorry pero kung mamasyal lang naman tayo sa mall... Ikaw na lang paulit-ulit na lang 'yun e." Sabi ko nito.

"So, magbaback-out ka?" Taas kilay na tanong ni Nicole.

"Parang ganun na nga," Sagot ko. "Next time na lang tayo mamasyal." Dugtong ko nito.

"Duhh! Kung ayaw mong sumama edi maiwan ka," Pagtataray pa nito. "Chez! Magbihis ka na, ano bang ginagawa mo?" Sambit naman niya kay Chesca.

"May homework kami Nicz, wag mo akong guluhin." Sagot ni Chesca na nakatuon ang paningin sa papel.

"Pati rin ikaw magbaback-out?!" Tanong ni Nicole kay Chesca.

Napatingin si Chesca kay Nicole na napakaseryoso bago nagsalita. "Nikki, maraming pang araw at Saturday para sa Saturdate natin na mga Madrigal. Kaya naman, uunahin ko muna ang study kaysa d'yan." Ani ni Chesca at tinuloy ang assignment niya.

"Hays, mga walang paninindigan!" Inis na usal ni Nicole sa amin.

"Sissy..." Napatingin kami sa bumaba na si Mira na nakabihis rin ito.

"Hay salamat naman na nakabihis ka, tayo na lang ang mamasyal KJ kasi ang dalawang 'to e." Sambit ni Nicole at sabay turo sa amin ni Chesca.

"Ha? Papasok kasi ako ngayon sa Cafeteria e." Sambit ni Mira na ikinainis ni Nicole.

"So, hindi mo ako sasamahan sa pamamasyal? Ganun ba?" Inis na tanong ni Nicole kay Mira.

"Oo parang ganun na nga," Sagot ni Mira na ikinairap ni Nicole. "Sige, alis na ako mga Sissy. Pasok na ako sa work." Sambit ni Mira at umalis ito sa harapan namin.

Napakamot na lang sa ulo si Nicole na parang inis na inis na ito.

"Si Maggie na lang ang pag-asa ko ngayon." Sambit nito.

"Natutulog pa si Maggie kaya wala kang mapapala." Sagot ko.

"MyGosh! Bakit naman kayo gan'un?! Mga bwis*t kayo!" Sambit nito na inis na inis ito at ginugulo pa ang buhok niya.

Oo! Natutulog pa si Maggie ngayon. Sa bahay kasi namin na ito, tatlo ang bedroom. Kaya naman ako at si Maggie ang magkaroommate tutal magkapatid naman kami sa ama 'di ba, while si Chesca at Mira naman ay magkasama sa isang room dahil magkapatid rin sila sa ama, at si Nicole mag-isa dahil sampid lang naman siya dito. Hihihi joke lang.

"Hindi niyo talaga ako sasamahan?" Tanong nito sa akin.

"Nikki, ang dami pang araw kaya naman mag-stay ka na lang kaya dito sa bahay. Bakit hindi ka mapakali diyan? Hindi mo ba kayang pigilan ang kakatihan ng paa mo gusto talagang gumala?" Sambit ni Chesca na nafocus pa rin ito sa ginagawa niya.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon