BBTCR 56.2: Audition

289 17 7
                                    


Steven's POV

♡♡♡

"G Squad Boys pasok na!" Sigaw ng isang babae.

"Good GSB! Kaya niyo 'yan." Sabi ni Ken sa amin na ikinatango namin.

"Go na! Galingan niyo para pumasa kayo sa puso ng mga judges." Sambit naman ni Dylan.

"Basta galingan niyo lang, ibigay niyo na lahat ng 100% niyo para makapasok kayo." Sambit ni Hunter naman sa amin na ikinatango namin.

"Wag niyo nang galingan!" Pagtataray naman ng tatlong ito na sina Munchy, Amanda at Mirriam.

"Tsk!" Sambit na lang namin nito bago tumalikod sa kanila.

Lumabas na ang mga Madrigal Sisters sa audition room kaya pumasok na lang kami ng may ngiti dahil nginitian nila kami na nagpapalakas ng loob namin.

Napabuntong hininga pa kami habang tiningnan ang mga judges na mukhang kinikilig pa sa amin.

"Ahmm... Bago kayo tumugtog Pakilala niyo muna ang mga sarili niyo." Sambit ng isang judges dito na kinikilig pa si girl sa amin.

Kinuha namin agad ang mga microphone at nagpakilala ito.

"Hi I'm Steven Javier."

"Ako naman po si Ethan Natividad."

"Hello po, Miko Alcantara pala."

"I'm Drake Santos."

"Ako naman si Kyler Afonso."

"Kami ang the G Squad Band!" Sabay-sabay naming sambit na ikinapalakpak nila.

"Pero matanong lang, pwede niyo bang sabihin ang mga IG account niyo, Facebook account, Twitter let be mutual." Sambit ni girl kanina na ikinakunot ng mga noo namin.

Ano bang nakain ng babaeng ito? Kinikilig pa talaga habang sinasabi niya 'yon. Hindi naman makipag-mutual ang pinunta namin dito e, kundi mag-audition.

"Sorry miss, pero nandito po kami para mag-audition hindi makipag-mutual sayo." Sambit ni Ethan na ikinalaki mata ng babae na judge.

"Syaka may mga girlfriends na kami at loyal kami sa kanila." Sambit ni Kyler.

"Ouch!" Sambit pa ng babae at napahawak sa dibdib niya.

"Syaka mga magaganda po sila." Sambit pa ni Miko.

"Mga palaban pa sila." Sambit naman ni Drake.

"At mahal na mahal namin sila." Sambit ko.

"May mga girlfriend na naman pala sila e, kaya wag na lang sila." Sambit ng isang lalaking judge na katabi niya.

"Sige na, tumugtog na kayo." Sambit naman ng isa pang judge.

Kaya naman puwesto na kami sa kanya-kanyang pwesto. Si Drake ang drummer, si Ethan at Miko naman ang bass guitarist namin. While ako naman at si Kyler ay nagpalit muna ng role, si Kyler muna ang magiging main vocalist namin ngayon at ako naman ang magiging second voice niya at guitarist.

Agad naman pinatugtog ni Drake ang drum at sinabayan na rin namin ang pagkaskas ng string ng mga guitar habang si Kyler naman nagsimula na rin itong kumanta at sinabayan ang tempyo sa mga instrumento.

🎶Di ko maintindihan🎵
🎵Ang nilalaman ng puso🎶
🎶Tuwing magkahawak ang ating kamay🎵
🎶Pinapanalangin lagi tayong magkasama🎵
🎶Hinihiling bawat oras kapiling ka🎵

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now