BBTCR 65: Ligtas

366 19 43
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Time Check: 10:05 PM

Pero nagtataka ako kung bakit hindi pa tumawag si Mira sa akin para sundiin siya sa subdivision gate. Kanina pa kasi ang out niya e, nga 9PM pero wala pa siya.

Napabuntong hininga na lang akong lumabas ng kwarto ko at nagpunta sa may terrace namin. At ngayon ko lang nalaman na gising pa pala sina Maggie at Nicole dito.

Ewan ko lang, medyo limitado ang pag-uusap namin ngayon. Hindi kami nag-uusap ng masyado ngayon, wala rin kasing masyadong nagsasalita sa amin.

"Gising pa kayo?" Sambit ko nito.

"Oo." Sagot naman nilang dalawa na walang kagana-gana ang mga ito.

"Ahmm.... si Eunice ba nandito na?" Tanong ko nito sa kanila.

Ewan ko ba, hindi ko kasi nakikita si Eunice in my whole day sa school. Dapat sa break time lang ang bonding namin pero walang Eunice Madrigal ang nakita namin syaka walang Ethan Natividad rin.

"Hindi pa nga e, nag-alala na nga ako sa kanya. Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero naka off ito, syaka si Ethan rin naka-off rin ang phone niya. Sinubukan ko rin na magchat sa group chat pero ang boys hindi man lang nagsasalita, seen lang ang ginawa nila." Sagot ni Maggie sa akin.

"Ahh okay... si Mira ba nagtext ba sa inyo?" Tanong ko nito sa kanila.

"Yan din ang hinintay namin pero walang Mira na nagpaparamdam ngayon. Medyo late na e, wala pa siyang text na susunduin siya." Sagot ni Nicole sa akin.

"Ahh okay..." Sagot ko.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong bigla ni Nicole sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya bago nagsalita. "Oo naman, bakit mo naman natanong?" Tanong ko nito.

"Chez, alam na namin." Sambit ni Nicole na ikinabuntong hininga ko nito.

"Ahmm... Anong alam niyo?" Tanong ko nito.

"Tungkol sa inyo ni Kyler." Sagot ni Maggie na ikinangilid ng luha ko sa kanila.

"Alam niyo na dahil sa social media?" Tanong ko ulit.

"Oo," Sagot nila pareho sa akin.

"Dahil nagchange na rin ng status si Kyler na single." Dugtong pa ni Nicole na ikinabagsak ng luha ko.

"Chessy." Sambit nilang dalawa at bigla na lang nila akong niyakap.

"Tinapos ko na ang relasyon dahil ayaw kong maging pamusta lang," Sambit ko nito. "Ayaw ko naman mapunta kay Tristan at ayaw ko din naman maging tanga upang ipagpatuloy ang relasyon namin sa taong ang tingin sa akin ay premyo." Sambit ko nito na ikinabagsak na naman ng luha ko.

"Naintindihan ka naman, wag ka ng umiyak." Sambit ni Nicole.

"Nakasuporta kami sayo Chez, alam naman natin na hindi dapat pinapusta tayo diba, hindi naman tayo bagay e." Sambit naman ni Maggie sa akin.

"Sobrang nasaktan lang talaga ako, pero alam ko sa sarili ko na mahal ko pa siya. Ang hirap magmove-on lalo na kapag one and half a year nagiging kayo. Sobrang hirap talaga." Sambit ko ulit.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala sila. Medyo nabawasan ang sakit na dinadala ko ngayon dahil alam ko na may kakampi ako. Alam ko na nandito sila para suportahan ako sa desisyon ko. Alam ko nandito sila para intindihin ako kahit hindi ako maintindihan ng mundo.

Battle between the Campus Royaltiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें