BBTCR 38: Banatan

620 32 29
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Ito na nga, katatapos lang namin magbihis dahil basang-basa kami sa kagagawan naming lahat.

Naging okay naman ang bondings namin ngayon kahit sa pagkain nagkakaubusan dahil kay Nicole. Takaw is real kasi si loka e, food is life ang motto niya ngayong birthday ni Kyler.

Maayos ang pagsasama naming labing apat na magkakaibigan kahit may iba't-ibang mga katangian.

Nakakaloka nga ang pwesto namin ngayon sa dining area ng bahay nina Ethan.

Hihihi. Simple lang naman.... Kaming mga girls katapat namin ang mga boys.

"Ano pala Ky, pupunta ka ba sa bahay niyo mamaya?" Tanong ni Ethan kay Kyler na nasa tabi niya.

"Ewan ko, pero alam na naman ni Mom at Dad na nagcecelebrate na tayo dito. Hindi ko pa alam e." Sambit nito na naguguluhan pa siya.

"Ahhh..." Sambit na lang ni Ethan bago sumubo ng pagkain.

"Knock-knock." Sambit ni Dylan.

"May tao ba?" Sambit ni Mirriam na palingon-lingon pa siya.

"Hoy! Sabihin mo who's there." Sambit ni Dylan kay Mirriam.

"Ha? Bakit ko naman sasabihin na who's there?!" Taas kilay na sambit ni Mirriam.

"Sabihin mo na lang who's there, wag ka namang masyadong KJ." Sambit ni Dylan.

Napairap naman si Mirriam bago nagsalita. "Fine! Who's there." Sambit na parang napipilitan lang.

"Ky." Sambit ni Dylan.

"Kyler tawag ka." Sambit naman ni Mirriam kay Kyler na ikinatawa na lamg namin.

"Hays, sabihin mo.... Ky who?" Sambit ni Dylan.

"Bakit ko naman tatanungin kung sino si Ky, e alam ko naman si Kyler ang tinutukoy mo." Sambit ni Mirriam na ikinatawa na lang namin.

"Hahaha....."

"Bwisit ka talaga!" Sambit ni Dylan kay Mirriam.

"Mas bwisit ka!" Sambit naman ni Mirriam.

Ito na naman magsisimula na naman ang bangayan ng dalawa.

"Tama na nga yan." Awat bigla ni Miko.

"Wow! Peacemaker ka ngayon?" Natatawang sambit ni Maggie kay Miko.

"Oo." Sagot ni Miko. "Pero Maggie Pilipinas ka ba?" Tanong ni Miko.

Mukhang babanat 'tong si Miko sa kapatid ko.

"Bakit?" Tanong ni Maggie. "Mukha ba akong mapa? Mukha ba akong archipelago 'ha?" Dugtong nito na ikinatawa namin at ikinalaki ng mata namin.

"Hahaha...."

Napabuntong hininga pa si Miko bago ito nagsimula. "Nagpick-up line kasi ako." Sambit ni Miko.

"Ah ganun ba, sorry hindi ako interisado sayo." Pagtataray ni Maggie.

"Wag kang KJ Mags, sagutin mo na ang lalaking 'yan." Sambit ko nito.

"Bakit ko naman siya sasagutin e, hindi naman siya nanliligaw sa akin e." Sambit ni Maggie at umirap pa.

Napalaki naman ang mga mata namin sa sinabi niya.

"Edi liligawan na lang kita." Sambit ni Miko na ikinalaki ng mata ni Maggie.

"Ayieeeeeeee...." Tukso pa namin na ikinayuko ni Maggie at ikinalaki ng ngiti ni Miko.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now