BBTCR 26: Biscuit

476 30 73
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

"Very good everyone. 15 minutes break muna kayo." Sambit ng babae na Senior sa amin.

Salamat naman talaga. Halos 1 hour na kami nagpractice dito e at buti na lang naisipan na magbreak muna dahil nakakapagod na talaga ang katawan ko sa mga actions sa Cheering Squad.

Yes! Tama kayo nag-checheering squad kami. At Certified Cheering Squad Members na kami kaya exempted na kami for P.E.

"Ano? Foodcourt tayo?" Tanong ni Mira sa amin.

"15 minutes lang ang binigay na break e, kaya dito na lang tayo." Sambit ni Maggie naman sa amin.

Oo! Tama kayo kasama ko si Mira at Maggie sa Cheering Squad dahil nga dancerist kami. Mga dancerist kami hihihi. Mga cheerleader kami.

"Max, sana ikaw pa rin ang magiging Junior Cheer Captain namin." Sambit ni Dalhia na isa sa alipores ni Max.

"Oo nga Max, sana ikaw pa rin." Sambit naman ni Hana na isa pa niyang alipores.

Oo na! Kilala ko na sila dahil nga magkaklase kami. Mga bwis*t nga sila e, mga inggit sa ganda ko.

Speaking of Junior Cheer Captain. Yes! Tama kayo ng dinig pagkatapos kasi ng practice na 'to 'yung Senior na nagtrain sa amin ay mamimili ng maging Junior Cheer Captain.

"I hope so na ako pa rin. Kaya lang, baka may umepal na naman na maghangad na maging Junior Cheer Captain." Sambit ni Max st tumingin pa sa direksyon ko.

"Wag mo ng patulan ang mga 'yan." Sambit ni Mira habang hinawakan ang braso ko.

"Alam mo Mira, hindi naman talaga ako papatol sa isang low class na kagaya nila." Sambit ko kay Mira at sabay turo kina Max.

Napataas naman ang kilay niya sa inis at agad nagpunta sa direksyon namin.

"Excuse me! Kami ba ang sinasabihan mo ng low class?!" Taas kilay na sambit nito sa akin.

"Kayo nga, bakit may reklamo ka?!" Angas na sambit ko.

"Alam mo Nicole, hanggang ngayon ba ay bitter ka pa rin?! Oo nga pala, bitter ka dahil sa pagkatanggal mo sa SHS Cheering Squad Team dati. Pero, hindi ko aakalain na hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove-on. Nicole, almost 2 years na 'yun. Move-on din pag may time." Sambit nito na tumawa pa ang mga alipores niya.

Napabuntong hininga ako bago nagsalita. "Alam mo Max, matanggal na akong nakamove-on sa nangyari. At hindi ko naman hinihiling na maging Junior Cheer Captain. Okay na ako, sapat na sa akin na nagmamahalan kami ni Steven. Sayo na ang pagiging Cheer Captain at akin lang si Steven." Sambit ko na ikinausok ng ilong niya.

Oo! Mukhang hindi pa rin nakakamove-on ang lokang Max na ito kay Steven ko dahil kapag pumupunta si Steven sa department namin para sunduin ako sobrang bitter niya at nagagalit pa siya. Yuckzz! Hindi makamove-on.

"Tara na nga umupo na nga tayo." Sambit ni Maggie sa amin.

Tumango naman kami kay Maggie bago tumalikod sa kanila.

"HOY!" Sigaw bigla ni Max na ikinahinto namin.

*BOOOGSH*

"Ouch!" Sambit ni Maggie ng tamaan siya ng mineral water bottle na gawa nina Max.

Napalingon kami sa kanila na nakataas ang kilay. Habang ang ibang stupidents dito ay nakichismis na rin sa amin.

"Anong problema niyo?!" Taas kilay na sambit ko.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now