BBTCR 32: Sorry to I Love You

507 25 13
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Last period na namin ngayon. Pero ito ako hindi mapakali dahil nagtext si Ethan sa akin at mukhang kinukulit pa ako.

'Yung mga kaklase ko focus na focus sa pakikinig sa professor namin lalo na si Mirriam at Ken. Buti na lang talaga na nasa likod kami nakaupo kaya medyo hindi ako nakikita na may ginagawa ako sa phone ko.

Maya-maya pa nagvibrate na naman ito.

From: ❤Ethan❤

Baby ko, sige na please. Puntahan mo ako dito please  😥

Napairap na lang ako sa nabasa ko sa kanya.

To: ❤Ethan❤

Baby ko, may class pa ako. Ano bang problema mo? 🙂 Saan ka ba ngayon? 😥😥

Reply ko sa text niya. Mukhang nag-iinarte na naman ang lalaking ito e. Sobrang arte na talaga nila ngayon.

Hays. Maya-maya pa nagvibrate na naman ito.

From: ❤Ethan❤

Nandito ako sa clinic baby ko. 😥

Basa ko nito na ikinalaki ng mata ko. Ano bang nangyari sa kanya.

To: ❤Ethan❤

Anong ginagawa mo dyan? May nangyari sa sayo baby ko? Bakit ka nandiyan sa clinic? 😦😥

*vibrating*

From: ❤Ethan❤

Andito nagpapahinga, bigla kasi akong nahimatay kanina e kaya sinugod ako dito. 😥😥 Baby ko, punta ka dito please 😦 Bantayan mo ako dito. 😦😥

Nang mabasa ko ang message na 'yon agad ko naman itinaas ang kamay ko.

"Yes, Ms. Madrigal. May problema ba?" Tanong nito sa akin.

"Ahmm... Prof, may I go out?" Sambit ko at tumayo na dala ang gamit ko.

"Bakit ka naman lalabas? Magrerestroom ka ba?" Tanong nito sa akin.

"Yes po." Sagot ko.

"Pero bakit dala mo ang mga gamit mo? Nakapagtataka lang Ms. Madrigal, magrerestroom ka ba o tatakas ka?" Tanong nito sa akin.

Napatingin naman ang mga kaklase ko na ikinabuntong hininga ko.

"Eunny saan ka ba pupunta?" Tanong ni Ken sa akin.

"Basta." Sagot ko lang.

"Ano Ms. Madrigal?" Tanong ni Prof ulit na ikinatingin ko sa kanya.

"Alam mo Prof, magpapaalam ba ako sayo kung tatakas ako?" Sambit ko nito.

"Hindi! Ayaw ko kasi sa mga sinungaling e, ano ba talaga ang totoo?" Tanong nito ulit.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now