BBTCR 84: Reunion

416 23 19
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

Kasalukuyan naming binabaktas ang restaurant na pinag-usapan namin ng mga kabatchmate ko. Oo, sa isang restaurant magaganap ang reunion namin dahil nga mga mayayaman naman ang mga kaklase ko dati e.

Gaya nga na nakapagsunduan namin ng boyfriend ko, inihatid niya nga ako sa reunion party namin. Pero si loko mukhang hindi ito mapakali dahil nga may banta na naman sa buhay namin.

"Baby, okay ka lang?" Tanong ko nito.

Napatingin naman ako sa siya ng saglit sa akin at tumingin na naman ang mata sa kalsada. "Ahmm... Baby, pwede bang samahan na lang kita sa reunion niyo?" Tanong nito.

"Anong bang tawag mo nito? Hinatid mo ako sa reunion ko kaya sinamahan mo na ako nito." Sambit ko.

Napabuntong hininga na lang siya sinabi ko. "Ang ibig ko pong sabihin na kung pwede na samahan kita in whole celebration niyo, natatakot kasi ako sa maaring mangyari e." Sambit nito.

"Baby, wala ka namang dapat ikatakot e. Hindi naman ako lalandi ng iba, ikaw lang talaga hindi kita ipagpapalit dahil mahal kita." Sambit ko nito.

"Baby, hindi naman ako natatakot sa ganyan dahil alam ko naman na mahal mo ako at hindi mo ako kayang saktan. Natatakot ako dahil nga may nagbanta sa mga buhay natin, kaya naman gusto ko lang makasiguro na ligtas ka." Sambit nito.

"Naintindihan ko naman yon baby, pero kaya ko naman ang sarili ko e. Syaka wala mangyari masama sa akin baby, nandoon naman din si Zeke e." Sambit ko nito.

"Isa pa yan, ayaw ko na dikit ka ng dikit sa lalaking 'yon." Sambit nito.

"Baby, kaibigan ko lang si Zeke. Hindi mo tapat siya pagselosan, suportado nga siya sa atin e." Sambit ko nito.

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. "Sige na please, sama na ako sa reunion niyo. Promise hindi ako mangugulo sa reunion." Sambit nito sa akin.

"Baby, nakakahiya kasi e."

"Ikinahihiya mo ba ako?" Tanong nito sa akin.

"Hindi! Ang ibig kong sabihin, hindi ko nasabihin ang mga kabatchmate ko na sasama ka. Syaka baka maout of place ka lang e." Sambit ko nito sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ko e. "Parang hindi mo talaga ako gusto na makasama e, andami mong rason para lamang hindi na ako sumama pa. Mukhang kinahihiya mo talaga ako." Sambit nito na parang nagtatampo pa.

"Baby, hindi naman sa ganon. Hindi totoo na kinakahiya kita, ayaw ko lang kasing maout of place ka sa reunion namin." Sambit ko nito.

Hindi siya sumagot at kusa lang siyang nag-concentrate sa pagmamaneho ng sasakyan. Parang nagalit siya e, mukhang galit ang boyfriend ko.

"Baby." Sambit ko nito pero hindi man lang ako nilingon.

Galit nga talaga siya, hindi nga ito ngumiti e. Sobrang seryoso lang ito. Maya-maya pa may kinapa ito sa sa bulsa niya at kinuha niya ito.

Ito na naman siya, bumalik na naman ang pagkachildish nito dahil sa lollipop na kinuha niya. Agad naman niyang binalatan ang lollipop niya at sinubo ito.

"Baby." Sambit ko ulit sa kanya.

Hindi talaga ako pinansin, mukhang galit talaga siya sa akin. Hays, paano ba susuyuin ang isang Miguel Kobi Alcantara?

Maya-maya pa agad niyang hininto ang kotse sa tapat ng restaurant na ito.

"Bumaba ka na, nandito na tayo e. Susunduin na lang kita kung kailan mo gustong magpasundo." Sambit nito na nasa harapan ang paningin nito.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now