BBTCR 19: Kenneth Fernandez

535 26 29
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

*KRINGGGGGGGGG*

"Class Dismissed!" Sambit ng Prof. namin.

Grabe naman 'yun dismissed na pala wala man lang akong natutunan sa lecture ngayon. Hays.

Nagsitayuan ang mga kaklase ko at inayos ko na rin ang gamit ko.

"Maggierita." Sambit sa bwis*t na Cindy na ito na hindi ko pinansin.

"MyGosh! Hindi thayo phinansin mhukhang na bhingi na shiya." Sambit naman ni Katy.

"Hoy!" Sambit ni Cindy. "Hindi mo ba talaga kami papansinin?!" Inis na dugtong nito.

Dahil sa inis ko dumukot ako ng bente pesos sa wallet ko at ibinigay sa kanila.

"Hanap kayo ng kausap niyo, wag kayong masyadong papansin sa akin." Sabi ko na ikinabuntong hininga nila sa akin.

Lumabas ako sa classroom ko na ngumiti na lang. Hays.

Makapunta na nga sa foodcourt, I'm sure nandu'n na ang mga Sissy ko.

☆☆☆

Pagdating ko sa Foodcourt pinuntahan ko agad ang table kung saan kami palaging nakaupo. Mukhang nakareserved na nga 'to sa amin e.

"Hi." Sambit ko sa tatlong ito.

Yes, speaking of tatlo. Si Sissy Chesca kasama si Kyler at Miko.

"Hello." Sagot ni Kyler na nakangiti pa habang si Chesca ay nakatuon ang tingin sa libro na binasa niya.

Pero itong si Miko subo ng subo lang ng lollipop. Hays.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko.

"Wala kaming class sa first subject kaya dito na namin napag-isipan na tumambay." Sagot ni Kyler.

"By the way yung iba pala nasaan na sila?" Tanong ko.

"Malamang wala pa." Sambit ni Miko na ikinairap ko.

"Sorry pero wag kang masyadong papansin Miguel Kobi 'ha. Hindi ikaw ang kausap ko!" Inis na sambit ko na ikinatawa niya. "Funny!" Sambit ko at umirap sa kanya.

"Alam mo Maggie may gusto ka ba sa akin?" Tanong nito na ikinairap ko.

"Assume pa more!" Sambit ko na tumawa pa. "Paano ako makagusto sa isang katulad mo, e sobrang sama ng ng ugali mo, sobrang childish mo, sobrang pangit mo." Sagot ko.

"Ikaw pangit diha, kung giuwagan na ka." Sambit nito na ikinakunot na naman ng noo ko.

Ano na naman ba ang pinagsasabi ng bwis*t na 'to? Minumura ba ako sa bwis*t na 'to?

"Hoy! Magsalita ka nga ng tagalog o kaya English, hindi kita maintindihan." Sambot ko nito.

"Alam mo Maggie, kailangan mo rin matutong magbisaya. Sobrang saya kaya kapag may marami kang dialect na nalalaman para hindi ka maloko ng iba." Sabi nito sa akin.

Battle between the Campus RoyaltiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt