BBTCR 46: Love Quarrel

497 26 17
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Pumasok kami ni Mira sa Music Room dahil nga nagshift kami ng subject major sa P.E from Cheering Squad to Glee Club.

Feeling ko naman tama ang pinili namin para mapursue naman namin ang pagiging singer namin. Hihihi, feeling singer lang pala.

Oo na, kami lang dalawa ni Mira ang lumipat sa Glee Club while si Maggie naman sinundan sina Chesca at Eunice. Mukhang bet ni Maggie ang social dance e, kaya okay.

"Madrigal Sisterssss..." Sambit ni Amanda ng makapasok kami sa Music Room napatingin naman ang mga students dito sa amin at sabay ngiti. Buti na lang talaga ngumiti, dahil kung hindi? Malilintikan ko sila.

"Bakit mo kami iniwan, diba sabi ko sayo Couz na hindi mo kami at sabay na tayong pumunta dito." Sambit ni Mira kay Amanda.

"Sorry naman, pero ang mahalaga naman nandito kayo diba." Sambit ni Amanda.

"Hays." Sambit na lang namin dalawa ni Mira.

"Ay oo nga pala," Sambit ni Amanda bago siya humarap sa mga kasamahan niya. "Guysessss... Si Nicole at Mira pala ang bagong member ng Glee Club, makasama na natin sila." Sambit ni Amanda na sobrang saya-saya pa.

"Welcome to the Glee Club Nicole and Mira." Sabay-sabay nilang sambit.

Sabay-sabay? It means pinaghahandaan nila ito. Iba din.

"Thank you." Sambit namin ni Mira at ngumiti.

"Hali na kayo umupo tayo dito." Sambit ni Amanda at dinala sa may vacant seat na katabi ni bwisit!

Napairap na lang ako ng makita ko na naman siya. Napatingin siya sa akin at napapout pa.

"Hi Steve." Bati ni Mira kay Steven.

Ngumiti naman itong kay Mira.

"Upo na nga tayo." Sambit pa ni Amanda at Mira at nag-unahan pa sa gilid.

Bwisit! Mukhang sinadya pa nila na magkatabi kami ni Steven na 'to.

Ganito kasi ang posisyon oh.

Steven - Vacant - Mira - Amanda

"Nicz, umupo ka na." Sambit niya sabay tapik sa vacant seat.

Napairap na lang ako sabay buntong hininga. "Pwedeng d'yan na lang ako, tapos d'yan ka?" Sambit ko nito.

"Hindi pwede, ako ang nauna dito," Sambit niya at tumalikod sa akin. "Amanda, kailan pala tayo magpractice para sa audition? May tuloy pa ba ang audition?" Change topic bigla ni Mira kay Amanda.

Napairap na lang ako sa kanya.

"Oo naman, pero postpone siya e. Sasabihan ko na lang kayo kung kailan pero dapat talaga paghandaan." Sagot naman ni Amanda.

Napatingin naman ako kay Steven na nakatingin pala siya sa akin. Agad naman akong umiwas at umupo na lang sa tabi niya pero tumalikod ako sa kanya.

Maya-maya pa naramdaman ko na kanyang pagbuntong-hininga niya ng paulit-ulit.

"Nikki," Bigla niyang sambit. "Nikki, sorry na----"

"Hoy! Sali niyo naman ako sa usapan niyo." Sambit ko sa dalawa na si Mira at Amanda.

"Ha? Kausapin mo ang jowa, LQ pa rin ba kayo?" Biglang pagbasag ni Amanda sabay tawa naman ni Mira.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now