BBTCR 43: Angkas

379 21 6
                                    


Mira's POV

♡♡♡

"Couz, hindi ka ba ihahatid ng mga Sissy mo sa Cafeteria?" Tanong ni Amanda sa akin sa kalagitnaan ng paglalakad namin palabas ng campus.

"Sabi nila ihahatid nila ako, pero hindi na siguro ako magpapahatid. Sasabay na lang ako sayo." Sagot ko nito.

"Okay." Sambit nito sa akin.

"Amanda." Napalingon naman kami sa tumawag kay Amanda sa likod.

"Hunter." Sambit ko at huminto kami.

Pero itong si Amanda awtomatiko pang tumaas ang kilay kay Hunter.

"Ano na naman?!" Pagtataray nito.

"Wala, gusto ko lang sanang yayain kang lumabas." Sambit ni Hunter.

"Lumabas? Ano bang tingin mo sa pinapuntahan namin paloob?" Sambit ni Amanda.

Itong si pilosopo nakakainis rin e.

"Ahh... I mean 'yung lumabas tayong dalawa lang, 'yung dating gawi na sinundo kita tapos ililibre kita kung ano ang gusto mo." Sambit ni Hunter.

Napairap naman si maldita at tiningnan ako.

"Amanda, okay na naman siguro kayo ni Hunter diba. Wala na naman sigurong problema, sinabi mo na siya sa kanya na okay ka na. Para mas maging okay talaga kayo, lumabas kayo para mabalik na 'yong dating pagkakaibigan niyo." Sambit ko nito.

Napangiti naman si Hunter while napabuntong hininga si Amanda.

"Okay." Sambit ni Amanda.

Napalawak naman ang ngiti ni Hunter sa sagot ni Amanda. "Really, thank you Mira." Sambit nito sa akin na ikinakunot ng noo ni Amanda.

"Bakit kay Mira ka nagpapasalamat?" Taas kilay na sambit ni Amanda.

"E, wala lang." Sambit ni Hunter na ngumiti.

"Ikaw talaga, masyado kang selosa. Umalis na nga kayo. Alis!" Sambit ko sa dalawa at tinulak pa silang dalawa palayo.

Hihihi. Feeling ko naman na may feelings pa sila sa isa't-isa. At sana naman maayos nila 'yon, maayos ang dapat maayos na relasyon nila.

Lumakad na rin ako para makalabas na ng campus.

☆☆☆

Nang makarating ako sa sa labas ng University gate agad naman akong naghintay ako ng taxi para makapunta na sa Cafeteria.

Hays,

"Hi." Napatingin ako sa boses na 'yon na tumabi sa akin.

Napahawak na lang ako sa bag ko ng mahigpit ng makita ko na naman siya.

"Ano na naman ba?!" Pagtataray ko kay Tyron.

"Galit agad? Hindi naman ako galit sayo 'ha." Sambit nito sa akin.

"Alam mo Tyron kung nagpapatawa ka, hindi ako natatawa. Kung gusto mo akong makausap, hindi ako interisado sayo." Sambit ko nito.

"Ano ba talaga ang gusto mo?!" Inis na sambit niya sa akin habang hinigpitan ng hawak ang braso ko.

"Ano ba?! Nasasaktan ako!" Inis na sambit ko nito.

"Masasaktan ka talaga kung hindi mo ako kakausapin ng matino!" Inis na sambit niya.

Dahil sa inis ko, agad kong inikot ang kamay ko na hinawakan niya at sinuntok ang tiyan nito.

*BOOOGSH*

Battle between the Campus Royaltiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن