BBTCR 7: Freshmen

656 31 32
                                    


Mira's POV

♡♡♡

"NIKKI! Bumaba ka na nga d'yan." Sigaw ko kay Nicole habang nasa baba kami sa hagdan.

Ito kasi si Nicole e, sobrang bagal andami pang ningudngod sa mukha. Hayss.

"NIKKI! Ayaw ko malate sa First day." Sambit naman ni Chesca na ngayon mukhang basangot na ito.

"ITO NA!" Sagot nito habang nagtataray pa na bumaba.

"Ang bagal mo." Sambit na lang ni Maggie.

"Hindi naman masyado." Sagot na ni Nicole na ikinabuntong  hininga namin.

"Tara na nga!" Sabi ni Eunice at nauna ng lumabas sa bahay namin.

Oo! This is it! First day namin ngayon sa college, ibig sabihin freshmen kami from the colleges. Hayss.

Excited masyado kami.

Oo na, dito na kami namalagi sa house namin. Dito na kami uuwi, dito na rin kami babalik, dito na siguro kami mamatay---- joke lang.

Pero, naging okay naman kami kahit 'yung mga G Squad Boys ay kinukulit kami sa umaga at walang araw na hindi pumupunta ang mga 'yun sa amin, stress nga kami kapag nandu'n sila e, sobrang daming drama, andaming arte, andaming bwis*t! Basta bwis*t sila, pero mawawala lang ang stress namin kapag gabi na dahil nakakarelax kami, walang maingay, walang magulo, walang mga bwis*t!

May kapitbahay naman kami pero medyo malayo, pero may isang bahay naman na katabi namin pero walang tao---- I mean mukhang walang nakatira.

Hayss.

Nang makalabas kami ng bahay pumasok na kami sa kotse at si Maggie na mismo ang driver namin. Ang ganda nga ng driver namin hihihi.

"Mags, bilisan mo ng kotse." Hirit ni Chesca na nasa gitna namin ni Nicole nakaupo sa backseat.

"Oo na," Sagot ni Maggie. "Pero, sa paglabas ng subdivision dapat dahan-dahan na." Sabi ni Maggie at tinuloy ang pagmamaneho nito.

Naging okay naman ang paglalakbay namin, ito kami safe at maganda pa rin. Charoot! Mukhang nahawaan lang ako kay Nicole e.

☆☆☆

Nang makarating kami sa Thomas University agad pinarada ni Maggie ang kotse sa may parking lot nito. At sabay sabay na kaming naglakad papuntang Thomas University entrance gate.

At gaya nga ng nakagawian nagkukumpulan na naman ang mga bwis*t na stupidents ng T.U.

"WAAAHHHH! THE MADRIGAL SISTERS!"

"The Madrigal Sisters is here!"

"Eunice Madrigal."

"Nicole Madrigal."

"Chesca Madrigal."

"Mira Madrigal."

"Maggie Madrigal."

"Sister Goals!"

"MADRIGAL SISTERS!"

Nagkatinginan kaming lima at napangiti na lang. Ganito na ba kami kasikat dahil hinintay kami sa labas? Sinalubong pa talaga kami dito 'ha.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now