BBTCR 63: Heartbreak

444 19 80
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

*KRINGGGGGG*

"Class Dismissed!" Sambit ng Proffesor namin na ikinatayo naming lahat.

Inayos ko na ang gamit ko at tiningnan pa ang bakanteng upuan ni Kyler at bakanteng upuan naman na nasa tabi ko na si Miko. Ewan ko, pero hindi pumasok silang dalawa.

Si Kyler alam kong nasaktan ko siya pero nasaktan naman rin ako sa ginawa niya kaya walang dapat sisihin sa amin. Si Miko naman hindi ko alam kung bakit hindi pumasok ang lokong iyon.

Hays, sobrang nakakapanibago lang ang araw na 'to. Wala akong kasamang pumunta ngayon sa foodcourt, walang kamay ni Kyler na nahahawakan ko, walang pabango ni Kyler na naamoy ko, walang nangungulit, walang pabebe, walang maarte bigla ko tuloy namimiss ko ang boses niya.

Napayuko na lang ako habang naglalakad palabas ng classroom ko para pumunta na sa foodcourt. Nakakapanibago lang kasi e, hindi ko nga mapigilan na hindi na naman maluha dahil sa nangyari sa amin. Hindi ko alam pero feeling ko ito talaga ang tamang gagawin na hiwalayan siya para na rin hanapin ang mga mali namin.

"Chesca." Napahinto ako sa boses na 'yon dahil na rin hinawakan niya ang braso ko.

Napabuntong pa ako at dahan-dahan inangat ang mukha ko habang tinaasan siya ng kilay.

"Ano?!" Sambit ko nito.

"Chesca, balita ko wala na-----"

"Oo!" Pagputol ko nito. "Wala na nga kami ni Kyler. Ano? Masaya ba? Ano itutuloy niyo pa ba ang game niyo?! Wala na kayong premyo e, wala na kayong tropeo." Sambit ko nito na ikinabagsak ng luha ko.

Ewan ko lang ha, pero sobrang sakit pa rin talaga na ipagpupusta ka. At syaka nangigigil talaga ako kapag makita ang mga mukha nila.

"Chesca, sor-------"

"No!" Pagputol ko nito ulit. "Wag ka ng magsorry Tristan dahil hindi naman matatanggal ang sakit sa isang simpleng sorry mo. Syaka ang sorry para lang 'yan sa mga bagay na hindi sinasadya, hindi sa mga bagay na sinadyang ginagawa." Sambit ko nito bago pinunasan ang mga luha ko bago pa ito bumagsak.

Napabuntong hininga pa ako dahil napatahimik siya sa sinabi ko kaya naman napayakap na lang ako ng mahigpit sa mga libro ko at naglakad na nakayuko.

*Boogsh*

"Aray!" Sambit ko nito at napaupo na lang habang nalalaglag ang mga libro ko.

"Sorry." Sambit nito at tinulungan akong pinulot ang mga libro ko.

"Okay lang po." Sambit ko na lang.

Napatingin naman ako sa lalaking ito at ganon na lang ang gulat ko na nakita ko na naman siya, kaya pala familiar ang boses niya.

Napatayo na lang ako na tinitigan siya habang pinulot ang huling libro ko at tumayo na ito. Shyteee, nagtama na naman ang mga paningin namin ng tingnan niya ako.

"Chesca, ikaw pala yan. Sorry pala." Sambit nito sa akin at inabot ang huling libro na nahulog.

"Okay lang po." Sambit ko nito at ngumiti ito sa kanya.

"Si Kyler pala? Hindi mo ba kasama ang pinsan ko?" Biglang tanong nito sa akin.

Oo! Tama kayo, si Storm Alfonso ang kausap ko ngayon na nakabanggaan ko. Pero okay lang naman e, gwapo naman siya.

"Chez, si Kyler ba? Hindi mo ba siya kasama?" Sambit na naman nito na ikinaiwas ko ng tingin.

Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya? Nangingilid na naman ang luha ko, hindi ko masasagot kong nasaan si Kyler dahil wala na naman kami.

Battle between the Campus RoyaltiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora