BBTCR 23: Aray!

504 31 23
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

"Aray!" Sambit ni Ethan ng nadiin ko ang paggamot ng pasa niya sa mukha.

"Wag mo akong artihan bwisit ka!" Sambit ko na ikinabusangot niya.

Oo! Ginamot ko ang pasa niya ngayon, sobrang arte nga ang mokong na ito e.
Dito kami pumupwesto ni Ethan sa dining area. Si Chesca at Maggie naman ginamot si Kyler at Miko sa sala. Si Nicole naman ayon nasa kwarto niya yata ginamot si Steven. At si Drake nasa terrace sila ni Mira.

"Aray!" Sambit niya naman ulit.

"Isa pang ARAY susuntukin talaga kita." Sambit ko nito na ikinabusangot niya ulit.

"Baby ko naman---Aray! Dahan-dahan lang kasi." Sambit niya sa akin.

"Arte 'ha, so sinong may kasalanan pa ngayon?" Sambit ko.

"Kasalanan ko---Aray!" Sambit nito.

"Nakipagsuntukan ka tapos ngayon paaray-aray ka?" Taas kilay na sermon ko sa kanya.

"Sorry na nga." Sambit nito at nag-pout pa ang loko.

"Hindi mo ako makukuha sa mga paawa effect mo." Sambit ko sa kanya.

"Hindi naman ako nagpapaawa e---Aray!" Sambit niya na ikinairap ko.

"Hindi ka nagpapaawa?" Tanong ko.

"Aray! Aray! Aray! Baby ko, dahan-dahan lang please masakit siya e. Baby ko, please dahan dahanin mo lang please." Sambit ko na ikinangiti ko na lang.

"So ano ngayon? Makipagsuntukan ka pa ba?" Tanong ko nito.

"Hindi na."

"Dapat lang, dahil kung hindi ako ang susuntok sayo pipigain ko talaga ang lahat sayo pati na 'yung apdo mo." Pananakot sa kanya.

"Grabe naman 'yun, lahat lahat talaga baby ko? Wala ka talagang palalampasin?" Sambit nito na ngumiti pa si mokong napairap na lang ako dahil mukhang may iniisip na kakaiba ang bwis*t na 'to.

"Hali ka nga dito, lalagyan ko ng band aid ang gilid ng labi mo." Sambit ko na ikinalapit naman niya ng mukha niya sa akin.

Ngumiti pa ang loko na tiningnan ako ng diretso.

"Matutunaw ako baliw!" Sambit ko sa kanya na ikinabusangot niya.

"Hindi ka naman ice cream kaya hindi ka matutunaw." Sabi nito at ngumiti.

Tinapos ko na ang paglagay ng band aid sa mukha niya.

"Done!" Sambit ko. "Ibabalik ko lang 'tong first aid sa lalagyan." Sambit ko at tumayo.

"Baby ko." Sambit nito sa akin na ikinatingin ko.

Maya-maya pa niyakap niya ako sa bewang at tiningnan ako na nakatingala.

"I love you baby ko." Sambit niya na ngumiti sa akin.

"Love mo ako?" Tanong ko.

"Oo naman." Sagot niya.

"Pero may mahal na kasi akong iba." Sambit ko na ikinabusangot niya bago nagsalita.

"Sino naman?" Tanong nito. "Hindi na ba ako ang mahal mo?" Tanong nito ulit.

Umiwas ako ng tingin sa kanya habang yakap niya parin ako.

"Ewan..." Sagot ko na lang.

"Hays, sino ba kasi ang love mo?" Tanong nito.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon