BBTCR 61: Desisyon

357 17 19
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Naghihiwalay na kami ng destination ng mga Sissy ko dahil iba-iba naman kami ng course na kinuha ko. Kaya heto ako ngayon naglalakbay papunta sa locker dahil kukunin ko lang ang mga libro ko.

Hindi ko pa nakausap si Kyler at wala naman akong balak na kausapin siya e. Sobrang sakit lang kasi dahil pinapusta pa niya ako sa game nila ni Tristan.

Bahala na siya! Sobrang nasaktan lang talaga ako ng todo sa narinig ko dahil mismo sa bibig niya nanggaling na ipupusta niya ako.

"Babe!" Napabuntong hininga na lang ako sa boses na 'yon. "Chesca, Babe!" Sambit nito pero hindi ko ito pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad na hindi nilingon ang lalaking 'yon. Ayaw kong umiyak ngayon, ayaw kong masira ang araw ko dahil sa kanya.

"Babe, may problema ba tayo?" Sambit nito na sinabayan na akong maglakad.

Hindi ko siya sinagot at kusa akong nagconcentrate sa paglalakad at nakafocus ang paningin ko sa harap.

"Babe, ano bang problema natin? Para na akong tanga e, kahapon sabi ko sayo na hintayin mo lang ako sa kotse pero umalis ka talaga. Tinawagan kita hindi mo man lang sinagot, tinext kita, chinat pa kita pero walang reply." Sambit na naman nito.

Napabuntong hininga lang ang sagot ko sa kanya.

"Wala ka bang balak kausapin ako? Wala ka bang balak na pag-usapan ang mga problema kung may problema man tayo?" Sambit na naman nito.

Binilisan ko na lang ang paglalakad at sumunod pa rin talaga ang bwisit na ito.

"Chesca, may problema ba tayo?"

"Babe... Ano na? Ano bang problema natin?"

"Kausapin mo naman ako dito, Babe."

"Babe? Chesca? Hindi mo ba kakausapin ang Cal Cheese mo?"

"Parang hangin lang talaga ako dito e, hindi mo talaga ako kinakausap. Ano ba kasi ang problema?"

Hindi ko siya sinagot pero kusa akong naglakad ng diretso para makapunta ako sa pupuntahan ko.

Pumasok na ako sa locker area ko, medyo hindi na naman masyadong marami ang tao dito kaya naman hindi ko na ito pinansin dahil hindi naman ako feeling close. Dumiretso ako sa locker ko at agad binuksan nat kinuha ang mga libro na magagamit ko sa araw na ito.

Napairap na lang ako ng sinirado ko ang locker ko na nandito na naman siya at ngumiti pa talaga.

"Babe, ako na ang magdala." Sambit nito at akmang kukunin ang mga libro ko.

Pero bago pa niya makuha ang mga libro ko agad ko na itong niyakap ng mahigpit. "Kaya ko." Sambit ko nito at nagsimula ng maglakad.

"May problema ba tayo Babe?" Tanong na naman nito.

"Bakit hindi mo tanongin sa sarili mo." Sagot ko nito.

"Ha? Wala naman tayong problema ha? Bakit naman ganito?" Sambit nito na ikinairap ko nito.

"Akala mo lang wala pero meron. Kaya tanongin mo sa sarili mo, kung may problema ba? Bakit ako pa? Bakit ako pa ang ipupusta mo?" Sambit ko nito na ikinangilid ng mga luha ko.

Tiningnan ko siya ng dahan-dahan na ikinakunot ng noo niya sa akin. "Anong ipupusta?" Tanong nito sa akin.

"Wag ka ng magmaang-maangan Kyler! Alam ko, alam ko na pinupusta mo ako sa lintik na challenge niyo ni Tristan?!" Sambit ko nito at binitawan na talaga ang mga luha ko.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now