BBTCR 41: Bahala ka d'yan

474 27 3
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

"Hoy!" Sambit ng lalaki na sumusunod sa akin.

Sobrang papansin talaga ang lalaking 'to feeling close masyado. Akala niya sinong gwapo e, mukha namang butiki.

"Hindi mo ba ako papansinin?" Tanong nito sa akin na nakasabay pa talaga sa paglalakad ko.

"Bakit mo ba ako sinusundan? Syaka bakit hindi ka sumama kina Kyler at Chesca? Magkakaklase kayo 'di ba." Sambit ko kay Miko na hindi siya tiningnan.

Ewan ko nga sa lalaking ito, mukhang binibwisit na naman ako dahil panay sunod niya sa akin.

"Yong dalawa may date ba 'yon, syaka ayaw ko naman maging third wheel sa kanila," Sambit nito. "Kaya naman ito ako ngayon-----"

"Binibwisit ako," Pagputol ko sa kanya sa sinabi niya. "Hindi ba kumpleto ang araw mo kapag hindi mo ako mabwisit? Hindi ba kumpleto?" Taas kilay na tanong ko.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita. "Parang ganun na nga." Sagot ko nito na ngumiti pa.

Gusto ko sanang suntukin para tumahimik ang lalaking ito pero nasa hallway kasi kami e, nakatingin ang mga fans niya baka mabugbog ako sa mga ito.

Binilisan ko ang paglalakad ko para maiwan siya sa paglalakad ko.

"Hoy! Wait lang Mags, hintayin mo naman ang boyfriend mo!" Pasigaw na sambit nito nito na ikinalaki ng mata ng mga stupidents dito.

Shyteee.... Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Baliw na talaga siya, nahal nga siya.

"Hoy! Hintayin mo nga ang boyfriend mo!" Sambit na naman nito ulit at hindi ko siya pinansin.

Bwisit talaga! Bwisit!

Binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang makarating kami sa department namin.

"MIKOOOOOOOOO!!!" Awtomatiko akong napahinto sa sigaw ng dalawang Chaka girls na si Candy at Katy.

Wow! Bwis*t na nga ako sa Mikong ito dumagdag pa ang dalawang Chaka girls na ito. Bwisit!

"Miko, I miss you." Sambit ni Candy na kilig na kilig pa.

"Oo nhga Mhiko, mhiss nha nhamin khayong mga GSB." Sabat naman ni braces.

Napabuntong hininga naman si Miko bago ngumiti at nagsalita.

"Thank you, pero hindi ko kayo miss e." Sambit ni Miko.

"What?!" Gulat na sambit sa dalawa.

"Joke lang, hihihi. By the way, may lollipop pala ako dito sa bag ko," Sambit ni Miko at may hinukaykay sa bag niya.

Maya-maya pa napasilaw ang mga mukha ng dalawang ito dahil sa inilabas na lollipop ni Miko.

"Ito," Sambit ni Miko sabay abot sa lollipop na ikinakilig naman ng dalawa.

"Thenkweoo..." Sambit sa dalawa at tinulak pa ako at niyakap si Miko.

Ito naman si Miko pangiti-ngiti pa sa dalawang Chaka na ito. Yuckz!

"Miko, thank you talaga. Sobrang pinasaya mo talaga ako ngayon." Sambit pa ni Candy ulit na grabe makalingkis kay sa braso ni Miko.

Ngumiti naman si Miko bilang tugon sa talandi na Candy na ito, nilibot ko naman ang mga stupidents sa paligid ko na nakataas pa ang mga kilay nito dahil sa ginawa ng dalawa.

Hays.

"Ahemm..." Mahinang igham ko.

Napatingin naman si Miko at ang dalawang Chaka sa akin, para naman maaware sila na nandito ang original.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now