BBTCR 14: Elected

454 23 13
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

This is it!

Ito na ang araw ng election for freshmen representative. Kaya ito kami ngayon naghihintay kung kailan lalabas ang first batch voters sa plenary   Hall kung saan ginanap ang pagboto.

"Ethan ang iboto mo Babe 'ha." Bulong sa bwis*t na nasa tabi ko.

"Kyler, PETMALU kami... Eunice kami... Madrigal Sisters kami." Sambit ko na lang nito.

"Hays, ganito na lang pustahan na lang tayo." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko at ikinatingin ko sa kanya.

"Anong pustahan?" Tanong ko nito.

"Pustahan tayo... Ahmmm... with consequences gan'un." Sambit nito na ngumiti pa na parang may pinaplano.

"Hoy! Ayaw ko... Ayaw kong pagpustahan ang mga kaibigan ko." Sambit ko nito at umirap sa kanya.

"Wow! Pinagpupustahan niyo kami?" Nakacross-arm na sambit ni Eunice kasama si Ethan na kakalabas lang sa plenary Hall kung saan ginanap ang election dito.

"Hays, hindi..." Sagot ko sa kanya.

"Second batch be ready!" Sambit ng lalaki dito na nakasuot pa ito ng SSC Uniform.

Edi, ibig sabihin lang n'yan na officer siya, sila na ang nagorganize sa event na ito at sana naman walang dayaan ang magaganap lalo na't LODI Party galing nga mga ito.

Feeling ko naman na may COMELEC na hindi mismo na nanggaling sa LODI Party o kaya walang sinalihan na organization dito 'yung tipong walang kinakampihan at kinikilingan.

Maya-maya pa lumabas na rin ang mga first batch voters kaya pumasok na rin kami para makaboto. Binigyan naman kami agad ng balota.

Dalawa lang ang pagpipilian, kaya hindi na ako nahihirapan kung sino ang iboto ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dalawa lang ang pagpipilian, kaya hindi na ako nahihirapan kung sino ang iboto ko.

Syempre, Eunice tayo. Eunice Madrigal dapat ang maging freshmen representative.

Nang matapos kung shinadan ang kay Eunice agad ko itong inilagay sa may box at ang COMELEC na ang bahala na magcount ng votes na 'to.

"Tara na." Sambit ng nasa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

Ito talaga bwis*t na ito, agad na agad na lang sumusulpot sa harapan---- I mean sa tabi ko.

Lumabas na kami sa plenary hall at nandito na pala ang mga kabarkada ko.

"Ano na? Kumpleto na tayo." Sambit ni Drake.

"Dating gawi." Sagot ni Steven.

"Saan? Foodcourt or Ice cream Parlor nina Kyler?" Tanong naman ni Mira.

"Syempre sa Foodcourt tayo... Takot na ako sa Ice cream Parlor nina Kyler baka pakainin na naman tayo ampalaya na ice cream." Sambit ni Nicole na napangiwi pa sa pait, kahit kami dito  napangiwi din sa itsura niya.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now