BBTCR 31: Professor Kim

427 20 16
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

"Class, ipopost ko lang 'tong listahan sa magkakagrupo for the feasibility study na gagawin niyo." Sambit nito at ipinaskal ang bondpaper sa mini bulliten board dito sa classroom namin.

Hays, ito na nga may feasibility study at wala akong interest na gawin 'yon. Hays.

"Anyways class, every group has a five members at kayo na ang bahala kung sino ang magiging leader niyo," Sambit ni Prof sa Entrepreneur subject namin. "At gusto ko na gamitin niyo ang time na ito para pag-usapan ang feasibility study niyo. So, class tingnan niyo na lang ang list kung sino ang inyong makakagrupo." Sabi ni Prof.

"Okay po Prof." Sambit namin lahat.

Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at nagpuntahan sila sa mini bulliten para tingnan ang mga magkakagrupo.

"Yes, magkagrupo tayo."

"Magkagrupo tayo."

"Yeaheyyy!!"

"Magkakagrupo tayo Max."

"Yes, magkagrupo tayo."

Rinig ko na sambit ng mga kaklase ko dito. Napatayo naman ako nagpunta sa sa mini bulliten board dito.

"Kaya lang parang may naligaw sa atin Max." Sambit ni Dalhia kay Max.

"Oo nga e, mukhang siya pa talaga. Sa dinami-dami ng kaklase natin dito, isa pa siya ang maging kagrupo natin." Sagot naman ni Max na may pa sunglasses pa si loka kahit walang araw.

Hays, kahit nasa classroom kami nagsunglasses si loka dahil sa black eye na gawa ng suntok ko sa kanya.

"Excuse me!" Sambit ko sa kanila at sumingit na ikinairap nila.

Tiningnan ko na ang listahan.... Nasaan na ba ang pangalan ko?

Shyteee......

Group 5

Maxene Alcantara
Hana Robles
Dalhia Mercado
Agatha Miranda
Nicole Madrigal

Shyteee.... Kagrupo ko ang mga mortal kong kaaway.

Waaaaaahhhhh!!

"Max, magmemeeting ba tayo ngayon about sa feasibility study natin." Sambit ni Agatha ni Max.

"Yes, tara na dito." Sambit nito at nagtungo na sila sa upuan at nagform sila ng pabilog para magkapag-usap ng matino.

Pumunta naman ako sa upuan ko sa pinakadulo at busangot na umupo doon. Hays, sa dinami-dami pang maging kagrupo ko ang mga mortal na kaaway ko pa ang talaga.

Gusto kong magwala. Gusto kung magmura dahil sila pa ang nagiging kagrupo ko. Gusto kong----

*Boogsh*

"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko ng may dumapong notebook nito.

"Hahahaha....." Tawa pa sa mga bwisit na Max and Company.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon