BBTCR 25: Igham

451 27 81
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

KASALUKUYAN kaming nandito sa P.E Room namin ngayon at hinihintay ang iba pa naming kaklase at 'yung PE Instructor namin.

"Bakit ang tagal ni Chesca." Sambit ko sa katabi ko na si Mirriam at Ken.

"Baka natraffic lang." Sagot ni Mirriam habang nakatingin sa phone niya.

"Paano matraffic 'yun? May traffic ba dito sa campus?" Sambit ko.

"Oo, natraffic sa boyfriend niya." Sagot nito na tumawa pa.

"Gaano na katagal si Chesca at 'yung boyfriend niya?" Tanong ni Ken na nasa tabi ko rin.

"Matagal na rin." Sagot ko nito.

"Gaano nga katagal?" Tanong nito ulit.

"Mag two years na rin." Sagot ko.

"Ahh... Pareho lang kayo? Mag totwo years na rin kayo ni Ethan 'di ba?" Tanong nito na ikinatango ko. "Anong nagustuhan mo kay Ethan?" Tanong nito na ikinaseryoso nito.

"Nagustuhan ko kay Ethan, 'yung siya talaga." Sagot ko.

"Ako ba?" Tanong nito na ngumiti pa si Ken sa akin. "Hindi mo na ba ako type Eunny ko?" Nakangiting tanong nito.

"Loko!" Sambit ko na natatawa pa.

"Hindi mo na nga ako mahal." Sambit nito at bumasangot pa si loko.

"Hoy! Loko ka. Nababaliw ka na ba." Sambit ko at sinampal ng mahina ang mukha niya.

"Ahermmm...." Napatingin kami sa kaharap namin na nakasumbrero pa ang lalaking ito.

"Ethan." Sambit ko sabay tayo. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nito.

"P.E Subject ko rin ngayon e, social dancing ang kinuha ko." Sambit niya sa akin.

"So? Dito ka rin? Magkaklase tayo?" Tanong ko nito na ikinatango niya.

"Okay." Sambit ko at ngumiti sa kanya.

Napatingin naman siya sa katabi ko na si Ken.

"Hi." Sambit ni Ken at tumayo pa ito na nakangiti.

"Hello." Sagot naman ni Ethan.

"Ethan dito ka na." Sambit naman ni Mirriam bago tumayo at lumipat ng upuan.

Marunong mag-adjust si loka.

"Thanks Mirriam." Sabi ni Ethan at umupo ito.

Umupo na rin kami ni Ken sa upuan namin.

Sobrang awkward nga e. Alam niyo naman na masyadong good communication 'tong dalawa na nasa tabi ko.

Ganito kasi 'yung posisyon namin e.

Mirriam - Ethan - Ako - Ken

Pero itong si Mirriam may sariling mundo dahil sa phone niya. Kaya ito ako ngayon hindi alam kung paano ko kakausapin ang dalawang ito.

Maya-maya pa napatingin ako kay Ethan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit?" Tanong ko nito.

"Miss you." Sambit nito na ngumiti.

"Miss you too," Sambit ko na lang. "Pero, tanggalin mo nga ako sumbrero mo. Wala ka bang galang sa bubong?" Sambit ko nito.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon