BBTCR 10: Banggaan

683 25 44
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

*KRINGGGGGGGG*

"Class Dismissed!" Sambit ng professor namin.

Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at lumabas ito. Hays, ewan ko ba mukhang hindi ko na bet ang kurso ko na Tourism Management, nakakabwisit kasi e.

Kasi naman----

"Hello Maggierita Madrigal." Sambit nito sa akin.

MyGosh! Ang ganda ng pangalan ko tapos pinapangit pa ng bwis*t na Candy na ito. Maggie ang pangalan ko walang rita. MyGosh! It's getting tomy nerves.

"Hello, Candymondo kilala mo ba si Cindy?" Sambit ko nito habang kinabiba ang bag ko.

"Hindi, sino ba 'yun?" Tanong nito.

"Kalahi mo, Cindymonyo rin." Sambit ko.

"Hayss, alham mho Maggie... Shobrang nhagsasayang lhang khayo ng orhas na khalabanin ang mga ashawa nhamin. The G Squad Boys." Sambit naman ni Katy.

Yes, tama kayo. Kaklase ko ang bwis*t na ChaKa girls na ito. Sila ang dahilan kung bakit ayaw ko na sa kurso na ito, mukhang gusto ko ng magshift ng course dahil sa dalawang bruha na ito.

"Anyways, hindi rin naman ako magsasayang ng oras sa mga CHAKA Girls na hindi makasabay sa ganda namin," Sambit ko sa kanya. "By the way, I have to go na, pero wait! Bakit kailangan ko pa magpaalam sa inyo, hindi naman kayo importante sa buhay namin. Candy and Katy." Sabi ko at nagfliphair bago umalis sa harapan nila.

Hays, 'yun na nga e. Nakakabwisit talaga ang mukha na 'yun. Mga Chaka na nga, demonyeta pa. Hays.

*BOOOGSH*

"ARRRAY!" Sambit ko at napahawak sa ulo ko ng tamaan ako ng matigas na bagay.

Napatingin naman ako sa bola na nagbabounce pa ito. Napalingon ako sa tumatawang mga stupidents sa likod ko at nandito pala ang bwis*t na Miguel Kobi na 'to na nakajersey uniform pa habang nakasubo ng lollipop.

"Anong problema mo?!" Taas kilay na sambit ko kay Miko na ito na sobrang angas naglakad papunta sa akin.

"Wala naman, sorry hindi ko sinasadya." Sambit nito at kinuha ang bola na ito.

"Wow! Wala man lang sorry?! Ganun na lang 'yun?!" Sambit ko na inis na inis sa kanya.

Napabuntong hininga siya bago ako tiningnan ng diretso.

"Bakit? Kasalanan ko ba na nasaktan ka? Kasalanan mo bang natamaan ka ng bola? Kasalanan ko ba na hindi ka nakailag?" Tanong nito sa akin na ikinabuntong hininga ko.

"Kung sabihin ko na OO! KASALANAN MO!" Sambit ko at sinigawan pa siya.

Napalapit ang mukha niya sa mukha niya, kumbaga yumuko pa siya para sa akin. Wow! Tangkad niya, low class naman.

"Sinisigawan mo ako? Binabastos mo ang gwapong childish ng University na ito? Paano kung sabihin mo sa mga fans ko na ipapagood job kita?" Sambit nito na mukhang nagbabanta pa sa akin.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now