BBTCR 62: First Kiss

368 20 24
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

"Maggie."

Napabuntong hininga na lang ako sa taong tumawag sa akin habang papunta ako sa department ko. Hindi ko siya pinansin dahil kukulitin na naman ako nito.

"Maggie, pansinin mo naman ako." Sambit na naman nito.

Tiningnan ko siya ng makahabol siya sa paglalakad ko at tinaasan lang siya ng kilay nito.

"Maggie, pag-usapan naman natin ang problema natin oh." Sambit nito.

"Kailangan pa bang pag-usapan 'yon? Wag mo ng ipaalala pa Miko, move-on na lang tayo." Sambit ko nito at tumingin sa harapan ko.

"Move-on? Seriously Maggie, move-on lang ang sasabihin mo?! Mags, akala mo ba ganon lang kadali magmove-on?" Sambit nito sa akin.

"Madali lang naman 'yan e, dahil alam ko na biro lang ang pinagsasabi mo." Sambit ko nito sa kanya.

"Hali ka nga dito!" Inis na sambit niya sa akin ng bigla niya akong hinawakan sa kamay at kinaladkad.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Inis na sambit ko nito sa kanya.

Pero muntanga lang ang lalaking ito, mukhang hindi pa ako nito naririnig dahil hindi man lang ako pinakinggan.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako sabi!" Inis na sambit ko nito sa kanya pero hinigpitan pa niya ang pagkahawak sa akin hanggang makapasok kami sa restroom ng mga boys dito.

Shyteee.... Bakit dito niya ako dinala? Bakit dito pa?

"Ano bang nangyari sayo!" Inis na sambit ko nito bago niya ako binitawan at nilock ang pinto sa restroom na ito.

Anong pinaplano ng lalaking ito? Nakakabwisit na talaga.

"Pag-usapan naman natin ang problema natin oh." Sambit nito sa akin.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Wala na diba! Wala ng tayo!" Sambit ko nito.

"Wala na ba talaga? Maggie, hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinasabi ko?! Yon ang tunay kong nararamdaman ko sayo Maggie, hindi ako nagbibiro seryoso ako Maggie." Sambit nito sa akin.

"Edi wow!" Sambit ko na lang na ikinabuntong hininga niya.

"Alam mo, sobrang manhid mo talaga! Hindi ka pa rin ba talaga naniniwala na na mahal na kita? Maggie gusto kita! Maggie mahal na kita! Maggie I love you! Maggie sumagot ka!" Inis na sambit nito sa akin.

"Anong isasagot ko?! Miko, alam ko na hindi ka seryoso! Miko, alam ko na nagbibiro ka lang! Miko, alam ko na pinagtripan mo lang ako. Ganon ba ang gusto mong marinig sa akin?!" Taas kilay na sambit ko nito.

Napaiwas siya ng tingin sa akin na parang umuusok pa ang ilong nito sa sinabi ko. Bakit mali ba ang sinabi? Mali ba pinagsasabi ko? Hindi naman e.

"O kaya gusto mong sabihin na it's a pran-------"

Napalaki ng lang ang mata ko at hindi na natapos ang sinasabi ko dahil sa ginawa niya sa akin. Bigla niya akong hinalikan na hanggang ngayon nagkadikit pa rin ang mga labi nito.

Waaaahhhhh!

1

2

3

4

5

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now