BBTCR 3: CHAKA Girls

800 34 34
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Nakakabwisit talaga ang Chaka Girls na 'yun at mas lalong nakakabwisit ang mga boys na gusto pangmagpaladi. Nakakabwisit talaga e. Hays.

Pero buti na lang naagapan ang mga galit namin kanina dahil kung hindi? Baka nagkaka World War III na dito ngayon.

Hindi naman kami papayag na mga Madrigal Sisters na matalo kami 'no. Hindi kami papayag na maging talunan, kaya lalaban kami kahit pa mahal namin ang boys na 'yun.

"Okay. Times up!" Sambit ng proctor na nagbabantay namin ngayon. "Pakipasa na sa harap ang mga modules niyo, at next week malalaman niyo na kung sino ang nakakapasa sa entrance exam niyo." Dugtong pa nito.

Sa totoo lang, kanina pa ako natapos pero I don't know kung tama ba ang mga sagot ko. Ang bilis lang naman siya sagutan, dahil multiple choice lang naman pero 'yun kung tama lahat. Hindi ko nga alam kung saan ako babagsak pagkatapos nito.

Pero dibale na, may first choice, second choice at third choice naman na pagpipilian na course mo dito sa college. Hays.

Matapos namin pinasa ang modules namin na sinasagotan lumabas na agad kami sa testing area na ito.

"Nahihirapan ba kayo sa exam?" Tanong ni Chesca sa amin.

"Medyo, hindi ko naman alam ang ibang lesson e." Sambit ni Maggie.

"Ako rin naman, mukhang may mga unfamiliar akong na-encounter sa module." Sambit ni Mira.

Edi, sila na. Buti pa sila may paki-alam sa pag-aaral ba ito? Pero ako, fashion at passion muna ako.

"Ahermmmm...." Napatingin kami sa likod namin at sabay-sabay pa talaga ang limang mokong na ito.

"Mukhang wala kayong planong kausapin kami 'ha?" Sambit ni Ethan na ikinairap namin.

"May dapat ba tayong pag-usapan?" Tanong ni Eunice.

"Meron, galit pa rin kasi kayo sa mga fans namin?" Sambit ni Steven sa amin.

"Sino ba ang hindi magagalit? E, sobrang Chaka nga nila." Sambit ko st umirap.

"Sinong Chaka?!" Napairap na lang kami ng dumating na naman ang Chaka Girls.

"Kayo!" Sabay sambit naming limang mga Madrigal Sisters.

"Oppss! Tama na 'yan." Awat ni Drake sat pumapagitna pa sa amin.

"Sige na, punta na tayo sa Foodcourt." Sabi ni Kyler.

"GSB Fans, mauna na kami sa inyo. Thank you pala sa mainit na pagsalubong niyo, punta na kami sa foodcourt gutom na kasi kami." Sambit naman ni Miko at may pahagod pa sa t'yan.

"Pupunta naman-----"

"Ahh! Pupunta kayo? Sige lang sumunod na lang kayo 'ha. Mauna na kami. Tara na!" Sambit ni Ethan at hinila pa si Eunice para makasabay siya.

"Bye, Chaka Girls." Sambit ko sa mga Chaka Girls na ito na ang sama ng tingin sa amin.

"Hali ka na Mahal." Sambit ni Steven st hinawakan ang kamay ko na ikinairap ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa iba ko pang kasamahan na sumunod na sa amin. At take note, si Chesca nakabusangot rin ito dahil pilit hinahawakan ni Kyler ang kamay niya. Si Maggie naman mukhang badmood sa pagmumukha kay Miko. At si Mira, wala lang seryosong naglalakad kasama si Drake.

☆☆☆

Nakarating kami sa foodcourt na nakabusangot ito.

Nakaupo kami habang kaharap ng mga boys na mukhang naguguluhan kung susuyuin ba kami or pagtripan. Bwis*t!

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now