BBTCR 90: Surrender

359 24 84
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

"Ano ba alam niyo sa pagsabog sa labas ng campus ng Thomas University?" Tanong nito.

"Chief, hindi namin alam ang pagsabog na 'yon. Biglaan ang nangyari e, buti nga lang nasa labas ng campus hindi sa loob sa campus." Sambit ni Steven sa Chief dito na nasa presinto.

"Tama po Chief, wala kaming kinalaman sa pagsabog. Bakit naman kami pa ang pagbibintangan niyo, e sariling kotse namin babombahin namin?" Sambit naman ni Kyler.

"Oo nga po, wala kaming kinalaman. Kaya naman wag niyo kami ang pagbintangan dahil wala kaming kinalaman dito." Sambit naman ni Hunter.

"Syaka hindi kami baliw Chief, para pagdisketahan ang mga kotse namin at ito ay pasabogin para mabulabog ang buong campus doon." Sambit naman ni Amanda.

"Kaya naman Chief, hinay-hinay ka sa pagbintang na kami ang nagpapasabog dahil wala kaming alam, nagulat nga kami sa ingay na 'yon. Umanig ang mga mundo namin." Sambit naman ni Maggie.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Chief sa mga sagot ng barkada namin.

"May sinabi ba akong kayo ang nagpasabog? Pinagbibintangan ko ba kayo na kayo ang nagpapasabog? Wala akong sinabing ganon diba, tinanong ko lang kung anong alam niyo sa pagsabog!" Inis na sambit ni Chief sa amin.

Nagkatinginan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Chief. Oo nga naman, wala naman siyang sinabing kami ang salarin sa pagpapasabog. Tinanong lang naman niya na anong alam namin.

"Ahmm... Chief, hindi namin alam kung sino ang totoong pagkatao niya." Sambit ni Chesca sa amin.

"So, sinabi niyo na sinadya ang pagpapasabog sa labas ng campus ng Thomas University?" Tanong nito.

"Yes po, syaka kami po talaga ang target sa nagpapasabog na 'yon." Sagot ko naman.

"So sinabi niyo na may alam kayo, pero hindi lang kayo ang nagpapasabog?" Tanong nito.

"Opo." Sagot naming lahat.

"Kung hindi kayo. Sino?" Tanong nito.

"Si Black Tiger." Sagot namin na ikinakunot ng noo namin.

"Ha? Sino 'yon?" Kunot noong tanong nito.

"Ito po, ito po yong number niya. Syaka basahin niyo na lang po ang mga message niya sa aming lahat, nagbabanta siya." Sambit ni Ethan nito at ibinigay ang phone niya kay Chief.

Agad naman binasa niya ang message na galing sa Black Tiger na 'yon. Napakunot at napatango na lang siya sa nabasa niya.

"Ang latest message niya Chief, 'yan ang natanggap namin ng ilang segundo pagkatapos ng pagsabog." Sambit ni Ethan ulit.

Napatingin naman si Chief sa amin at sobrang seryoso itong nakatingin sa amin.

"Matagal na pala kayong may banta, hindi man lang kayo nagreport?" Tanong nito sa amin.

"Ahmm... Hindi na po namin naisipan dahil akala kasi namin na pinagtripan lang kami sa mga kasamahan namin dito o kaya sa mga nakilala namin." Sagot ni Mira.

"Pero ngayon kumbensido na kayo sa taong ito?" Tanong nito.

"Opo." Sagot namin na ikinatango na lang nito.

"Pero familiar ang numerong ito." Sambit nito habang nakatingin ito sa screen ng phone.

Paano nagiging familiar? Baka numero 'yan ng asawa niya. Hihihi. Kung familiar man mukhang malaki na ang chance na mahanap si Black Tiger para wala na siyang mabiktimang iba.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now