BBTCR 51: Practice

510 20 18
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Mukhang naayos na naman namin ang gusot e, kaya wala ng masyadong problema.

Si Nicole at Steven okay na naman sila, hindi na rin masyadong nagpaparticipate si Steven sa mga curriculum activity. Hays, iba din kasi ang epekto ni Trisha sa dalawa mukhang pinagseselosan pa siya ni Nicole.

Si Chesca at Kyler naman okay na rin sila, nadikit na dikit masyado si Kyler kay Chesca at sobrang clingy pa talaga. Biruin mo 'yon pinilit niya ang P.E Instructor namin na maging partner lang si Chesca sa activity namin. Naikiwento na rin ni Chesca ang nangyari sa amin tungkol sa ginawa ni Tristan. Hays, iba talaga kapag Cabrera.

Si Miko at Maggie naman, ewan ko kung ano na ang status nila pero kinikilig ako kapag tinatawag nila ang isa't-isa na baby. Ewan ko ba sa dalawa, mukhang namipaglaro lang sila sa isa't-isa. Bagay naman sila e, pareho silang single at sana pareho din silang may feelings.

Si Mira at Drake mukhang focus masyado sa work, hihihi doon na lang kasi sila nagkakasundo e. Pero simula noong may motor na si Drake, hindi na namin sinusundo si Mira sa subdivision gate kasi nakikisabay na lang siya kay Drake.

Si Ken at Ethan naman ay okay na naman sila, kaya kinakausap ko na rin sila. Medyo close na nga sila, mukhang may something. Hihihi. Joke lang, alam ko naman ako lang ang mahal ni Ethan. Awww!

"Sissy, tara na naghihintay na si Amanda sa atin sa bahay nila." Sambit ni Mira sa amin.

Oo, tama kayo. Magprapractice daw kami ngayon sa bahay nina Amanda para sa audition namin next week for Music Band Festival.

"Wait, isasama ba natin ang mga boys?" Tanong ko nito.

"Malamang hindi, diba nga sabi ni Amanda na wag sabihin sa mga boys ang practice na ito about sa Music Band Festival. So, wag na." Sabi ni Maggie.

Oo nga naman, pero ang natandaan ko ang sinabi lang ni Amanda ay wag sabihin na mag-aaudition kami for Music Band Festival pero ang pinaalam namin sa boys ay nagpractice lang kami ng dance.

Pero ewan ko ba, nagugulohan rin ako. Hindi na lang ako magsasalita baka kasi madulas na naman ako at ayon magugulat na lang kami kapag bigla-bigla na lang silang sumusulpot.

"Tara na nga, ako na ang magdridrive." Sambit ni Nicole at nauna na itong lumabas ng bahay.

Sumunod naman kaming lahat sa kanya dahil nga follow the leader kami, from this moment si Nicole ang leader pagdating sa music. Hihihi.

☆☆☆

Sumakay agad kami sa kotse at pinaandar agad ni Nicole ito.

"Sissy, baka hahanapin tayo ng boys." Sambit ko nito.

"Nagchat na ako sa chat group natin at sinabi ko na may lakad tayo na exclusive girls only." Sambit ni Chesca sa akin habang nakatutok ito sa phone niya.

Agad naman akong nag-open as account ko para mabasa ang chat.

*Ting*

Chesca:
Hello #GSB Goodmorning pala, may lakad kami ng mga Sissy exclusive for girls only, kaya naman wag niyo muna kaming hanapin sa bahay. 😊

*Ting*

Kyler:
Babe @Chesca saan ba ang lakad niyo? 😊

Biglang tanong ni Kyler sa chat group namin. Napatingin naman si Chesca sa akin na nasa tabi ko.

"Wag mong sabihin, baka masundan natin." Sambit nito sa akin.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon