BBTCR 97: Battle Queens

360 21 101
                                    


Ethan's POV

♡♡♡

"Baby ko, kapit ka lang ha... wag kang bumitaw." Sambit ko kay Eunice habang nakaratay siya sa rocking bed habang nakaoxygen para ipasok sa emergency room.

Naluluha na naman ako dahil sa nangyari sa kanila. Oo, ayaw ko mawala siya, ayaw kong mawala sila sa amin.

"Babe, kapit lang... Wag mo akong iiwan please..."

"Mahal, lumaban ka.. Lumaban ka please..."

"Baby ko, kumapit ka... Wag mo akong iiwan..."

"Babyloves, please... Lumaban ka please..."

Rinig ko na sambit ng GSBoys na nakasunod sa amin habang nakaratay naman sa rocking bed ang mga girlfriend nila.

Ramdam ko sa kanilang mga boses na mangiyak-ngiyak na ito. Sobra na to e, sobra-sobra na ang sakit na pinagdadaanan namin.

Bakit ba kasi kailangan pang umabot sa ganito? Bakit kailangan pang masaktan pa kami nang ganito? Ganon na ba kami kasama para parusahan ng ganito!

"Hanggang dito na lang po kayo..." Sambit ng Doctor bago pinasok si Eunice sa emergency room na ngayon ay lumalaban sa buhay niya.

Pinasok na rin ang iba sa emergency room kasama ang mga Doctor at nurse nila. Sabay-sabay na lang kaming napabuntong hininga dito at nagkakatinginan na lang.

Ewan ko ba, sobrang nasaktan na naman ako nang sobra na makitang sinugod na naman sa hospital si Eunice. Paulit-ulit na lang e, sobrang paulit-ulit na lang ang pasakit sa amin.

Napasandal ako sa pader at umupo na lang ito sa sahig. Ganon na rin ang iba na napaupo na lang sa sahig nito.

"Hindi ko kayang mawala si Eunice sa akin. Hindi ko kakayanin na mawala siya." Sambit ko nito na ikinabagsak na lang ng luha ko.

"Kahit ako rin, hindi ko kaya na mawala si Chesca. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal si Chesca diba, hindi ko kayang mawala siya. Wala na akong ibang gustong mahalin e, kundi siya lang talaga." Sambit ni Kyler nito na napapunas pa ito sa luha niya na kanina pang kumalas.

"Ewan ko ba, mas sinisisi ko ang sarili ngayon. Hindi ko man lang nailigtas si Nikki, hindi ko siya nakalagan kaagad dahil sobrang higpit ng pagkatali sa kanya. Sobrang nasasaktan ako sa nangyari dahil sa kanya." Sambit ni Steven nito na napaluha na rin ito.

"Kung pwede nga lang, ako na lang ang nasa posisyon ni Maggie. Kung pwede nga lang na sana ako na lang talaga ang nakaratay ngayon dahil sobrang sakit talagang makita siya na lumalaban sa buhay niya." Sambit ni Miko nito.

"Natatakot ako," Sambit ni Drake nito na ikinabagsak ng luha niya at pinunasan ito bago nagsalita. "Natatakot ako baka sa pagkakataon na to, iiwan na talaga ako ni Mira nang tuluyan. Paulit-ulit na lang e, sobrang natatakot akong mawala siya." Sambit ni Drake nito.

"Kasalanan ko 'to lahat e, kung hindi ko lang namin ginantihan si Tristan hindi sana siya nabaliw ngayon! Hindi sana maghihiganti ang Kuya nila. Nakakainis lang e dahil ang Madrigal Sisters ang nasaktan." Sambit ni Kyler.

"Hindi! Kasalanan ko to. Kung hindi ko lang sana pinansin si Trisha hindi sana siya nabaliw sa akin, hindi sana siya na inlove sa akin, hindi sana siya umasa na mahalin ko rin siya. Hindi sana siya magmatigas at tumakas sa panahon na hinahanap natin si Mira, hindi sana siya natrauma ngayon sa takot. Kaya ito, kasalanan ko dahil naghiganti si Tyler para sa kapatid niya." Sambit ni Steven.

"Kasalanan ko 'to lahat, kung hindi ko lang sana pinatulan si Tyron hindi niya gagawin kay Mira 'yon. Kung hindi ko pinatulan ang ex na hindi makamove-on hindi sana kami magkasakitan, hindi sana niya ako mabaril, hindi sana siya nakulong na dahilan ng paghihiganti ni Tyler sa atin." Sambit ni Drake.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now