BBTCR 81: Goodbye

433 16 58
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Nandito kami lahat ngayon sa foodcourt ngayon, break time na kasi kaya nagsasama na naman ulit kamin dito. Medyo okay na naman ang lahat e, nagiging okay na ang mga buhay namin ngayon, mukhang tapos na ang banta ng mga Cabrera.

"Buti na lang talaga wala na ang mga Cabrera na 'yon." Sambit ni Amanda bago kumain ito.

"Tama, medyo okay na naman tayong lahat e. At alam ko na lalaban si Buddy ngayon." Sambit naman ni Munchy sa amin.

"Oo naman lalaban si Drake ngayon, buti na lang digital ang karma kaya nabayaran agad ni Tyron ang ginawa niya." Sambit naman ni Mirriam.

Oo tama kayo, nakulong si Tyron dahil sa ginawa niya kina Mira at Drake. Buti na lang talaga naagapan agad e, dumating ang mga pulis bago pa makatakas ang bwisit na Tyron ngayon.

"Wala pa rin bang balita kay Trisha?" Tanong ni Ken sa amin.

"Wala pa." Sagot naman naming lahat.

"Mas mabuti nga na mawala ang babaeng 'yon, nangigigil talaga ako sa babaeng 'yon!" Sambit ni Munchy ulit na mukhang inis pa rin ito.

"Wala ka na talagang nararamdaman no?! Mukhang wala ka ng paki-alam sa feelings ng iba." Sambit ni Ken kay Munchy.

"Hoy! Kung may feelings ka sa bruhang Trisha na 'yon, edi hanapin mo!" Sumbat ni Munchy kay Ken.

Ito na naman sila, nagsisimula na naman ang awayan ng dalawang ito.

"Tama na 'yan, kung saan na naman 'yan mapunta e." Awat ni Steven sa dalawang ito na magkainitan na naman ito.

Napabuntong hininga naman ang dalawa at nag-irapan pa ito bago sumubo ng mga pagkain nila.

"Ikaw ba Steve, anong balita mo kay Trisha? Magkaklase kasi kayo e." Sambit ni Ethan nito sa katabi ko na si Steven.

Napabuntong hininga pa si Steven bago nagsalita. "Wala pa ang balita sa kanya, hindi naman siya pumasok e. Mukhang tumakas nga talaga ang babaeng 'yon."

Oo tama kayo, nawala kasi bigla si Trisha matapos ang mga pangyayari na iniligtas namin si Mira. Hindi pa nagpapakita ang mukha ni Trisha dahil sa amin simula sa mga pangyayari.

"Tatakas talaga 'yon! Mukhang natakot sa suntok ni Eunice e." Sambit ni Dylan na ikinatawa na lang namin.

"Hahahahaha..."

"Nabwibwisit lang talaga ako sa babaeng yon sa time na 'yon." Sambit ni Eunice.

"Hahahaha..." Tawa ulit namin sa kanya dahil sa sinabi ni Eunice.

"Tama lang naman talaga ang ginawa ni Eunice e, kahit ako naman siguro pinatay ko na 'yon." Sambit naman ni Munchy.

"Bad 'yan." Sambit ni Hunter kay Munchy.

"Sobrang bait naman ni Hunter! Kailan pa nagiging mabait ang isang Hunter Dela Vega?!" Nakataas kilay na sambit ni Amanda kay Hunter.

"Matagal na." Nakangiting sagot ni Hunter na ikinairap na lang ni Amanda.

"Alam niyo, bagay naman kayo e. Bakit hindi na lang kayong dalawa ulit?" Sambit ni Kyler na ikinalaki ng mga mata nina Amanda at Hunter.

"Oo nga, bakit hindi na lang kayo magbalikan?" Sambit ni Mirriam na sobrang laki pa ang ngiti nito.

"Bakit hindi na lang kayo ni Dylan! Tutal bagay naman kayo e." Pairap na sambit ni Amanda naman kay Mirriam.

Makita ko naman ang paglaki ng mata ni Mirriam. "No way!" Sambit pa ni Mirriam na pairap pa Ito.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now