BBTCR 39.1: Truth or Dare

628 30 5
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Kasalukuyan nga kaming nandito sa living room ng bahay nina Kyler. At ito nga mukhang nagkakatama na dahil sa iniinom na beer in cans at sujo drink namin.

Pero, hindi naman ako masyadong umiinom dahil mahirap na kapag mawawala ako sa pag-iisip at magiging wild bigla.

Napatingin ako sa katabi ko na si Kyler ng biglang niyakap niya ang bewang ko at siniksik na naman ang ulo niya sa leeg ko.

"Babe." Sambit nito.

"Ano na naman ba ang kaartihan na 'to?" Tanong ko.

"Pahingi ng kiss." Bulong pa nito.

"Hoy! Ilang kiss muna 'yan?" Mahinang sambit ko.

"Ahhmm... Tatlo pa lang." Sambit nito na ngumiti sa akin.

"Wag mo akong lokohin, kanina ka pa nga halik ng halik sa akin e," Sambit ko nito. "Kanina sa bahay dalawa, tapos ng maligo tayo ninakawan mo ako ng dalawang halik, tapos ng magbihis ako at sinundo na naman ako sa bahay isang halik na naman, tapos 'yung nagpunta ako sa kitchen upang uminom ng tubig hinalikan mo rin ako nun, tapos 'yung sinama mo ako sa bedroom mo naka dalawang halik ka rin, tapos ngayon? Kumbaga 8 kisses na ang natanggap mo." Sambit ko nito.

Napangiti naman siya sa sinabi ko at bumulong na naman nito. "Dalawang kiss ngayon para maging sampu tapos mamaya na 'yong iba." Bulong nito na ikinairap ko.

"Baliw ka na talaga sa lips ko." Natatawang sambit ko.

"Naman..." Sambit nito sa akin na ngumiti pa sa akin.

"Hoy! Ano 'yan? Landian?" Sambit ni Mirriam sa amin ni Kyler.

"Kami talaga ang nakita mo Mirriam? E, tingnan mo nga ang nasa tabi mo na si Eunice at Ethan, syaka si Steven at Nicole na naglalandian rin." Sambit ni Kyler sa kay Mirriam.

"E, kayo kasi ang nasa harap ko kaya sobrang nakaka out of place lang." Sambit niya at nagcross-arm at umirap.

"Hala siya," Sambit ko na lang kay Mirriam. "Dylan si Mirriam 'oh, na out of place daw siya." Sambit ko kay Dylan.

Napatayo naman si Dylan at umupo sa tabi ni Mirriam.

"Ria wag kang mag-alala nandito na ako." Sambit ni Dylan sabay hawak sa kamay ni Mirriam.

"Ewww! Wag mo akong hawakan may virus ka." Sambit ni Mirriam at lumayo kay Dylan.

"Arte naman nito, akala mo naman papatulan kita?" Sambit ni Dylan at sabay tawa kay Mirriam.

"Tsk!" Sambit na lang ni Mirriam sa inis.

"Hahahaha..." Tawa na lang ng mga kaibigan ko sa mga ito.

Alam niyo naman sigurong may mga tama na kami dahil sa sujo drink na ininom namin diba, kaya ito mukhang ang iba wala na sa sarili.

"Guysessss..." Biglang sambit ni Nicole habang katabi ni Steven ngayon.

Napatingin kami sa kanya bago siya nagsalita.

"Ahmm... Spin the bottle time?" Tanong niya habang pinakita ang bottle ng sujo na ininom namin.

Nagkatinginan kaming lahat na ikinaikot ng paningin ni Nicole sa mga mukha namin.

"Ano na? Game?" Tanong ni Nicole sa amin.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now