BBTCR 56.1: Audition

345 22 10
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

"Hay salamat naman na nandito na kayo." Sambit ni Amanda sa amin ng makarating kami sa audition place na sinabi niya.

"Nagsisimula na ba?" Tanong ko.

"Oo, buti na lang hindi pa kayo tinawag. Kinakabahan tuloy kami sa inyo e. Bakit ba kasi ang tagal niyo?" Sambit naman ni Mirriam.

"Traffic, nakakainis nga e. Halos one hour din kami naistock don. Hays." Sambit ni Nicole na medyo stress pa sa nangyari.

Oo na! Audition na namin ngayon for Music Band Fest. Medyo kabado kami ngayon baka kasi hindi kami makakapasok at madismaya pa namin ng tuluyan sina Amanda at Mirriam.

Silang dalawa pa naman ang nagpapalakas sa amin, sila 'yong lumalaban para sa amin. Nakakaproud lang itong dalawa ito e, kasi kahit medyo na sumusuko na kami sa mga practice namin mas pinalakas pa nila ang mga loob namin.

"The Madrigal Sisters." Napalingon kami sa boses na 'yon.

Ito naman na naman sila. Awtomatiko naman tumaas ang mga kilay namin ng mga makita namin silang lahat.

"Oh! Kumusta na kayo G Squad Boys? Threaten na ba kayo sa audition ngayon? Natatakot na ba kayo?!" Nakataas na kilay na sambit ni Amanda habang pumunta pa sa harapan namin upang harangin ang mga GSB.

"Tsk! Paano naman kami matatakot? Baka 'yong mga alaga niyo ang dapat matakot." Sambit ni Drake.

"Ang kapal ng mga mukha niyo! Hindi natatakot ang mga alaga namin sa inyo!" Inis na sambit ni Mirriam sa kanila.

Napakunot naman ang nga mukha ng mga boys dahil sobrang tapang ito si Mirriam, syaka dinuro-duro pa nila ito.

"Ano bang problema niyong dalawa? Pag-aawayin niyo ba kami ng mga girlfriend namin?" Taas noong tanong ni Ethan kina Mirriam at Amanda.

"Hindi naman kayo pinag-aaway, kayo nga itong sinabihan na natatakot ang mga alaga namin. Hindi matatakot ang mga alaga namin!" Sambit ni Amanda na sobrang tapang na rin. "Di'ba Madrigal Sisters?" Tanong pa ni Amanda sa amin.

Nagkatinginan naman kaming lima bago nagsalita habang tiningnan ang mga boys.

"Once a Madrigal is always palaban." Sambit namin.

"Once a GSB dapat niyong katakotan." Sambit naman nila sa amin.

"Opsss!" Sambit sa mga dumating na sina Dylan, Hunter at Ken.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong naming mga girls.

Nagkatinginan naman ang mga boys bago sumagot si Kyler. "Pinapunta namin sila dito para suportahan kami dito. Alam kasi namin na nandito ang Manager niyo at President ng fanclub niyo."

"Hi, I'm Hunter Dela Vega the manager of GSB." Pakilala ni Kyler sa amin.

"I'm also a manager of GSB." Sambit naman ni Ken.

"Ako naman ang President ng kanilang fanclub. Kumbaga ako na ang admin ng G Squad Boys official fandom na may 30K likes na ngayon." Sambit ni Dylan naman.

"Share mo lang?!" Pagtataray ni Mirriam na sa mga ito.

Hays, dehado talaga kami kapag labanan between us. Kasi ang GSB sikat na sila e, habang kami sisikat pa lang.

"Hiiiii!!" Napatingin naman kami sa boses na 'yon.

"Munchy anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ethan kay Munchery na kararating lang ito.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now