BBTCR 67: Buddy

389 19 47
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Hindi pa rin ako okay gaya ng dati. Masakit pa rin sa dibdib kahit nailabas na namin lahat ng mga saloon namin kagabi. Ewan ko ba, medyo nagkainitan kaming lahat sa kanila, medyo nakakasumbatan pa kaming lahat kagabi.

Naglalakad ako ngayon sa classroom ko upang pumasok na sa class namin. Nakakapanibago nga e dahil walang nangungulit sa akin habang naglalakad sa hallway.

Napayuko na lang ako habang naglalakad papunta sa classroom ko ngayon. Medyo nakakailang kasi dahil alam ko na pinag-chichismisan na naman ako dahil nga sa nangyari sa amin ni Kyler. Aminado na ako sa ganyan dahil mas updated pa sila kaysa sa akin.

Nang makarating ako sa tapat ng classroom.

"Excuse me."

Napairap na lang ako dahil sa boses na 'yon.

"Hi, Chesca." Sambit nito sa akin.

Napabuntong hininga naman ako na tiningnan siya.

"Bakit?" Sambit ko nito.

"Ahmm.... Si Kyler pala?" Tanong nito na ikinairap ko.

"Bakit mo hinahanap sa akin ang boyfriend mo?!" Sagot ko nito.

"Hays, oo nga pala. Ex ka na pala, pero pwede bang wag kang bitter." Sambit pa nito na ikinabuntong hininga ko sa galit.

Napaiwas ako ng tingin para pakalmahin ang sarili bago nagsalita. "Alam mo! Sa tingin mo talaga minahal ka ng pervert na 'yon? Sobrang bilis lang ha, one day may iba na agad!" Pairap na sambit ko.

"Wag mong kwestyonin ang pagmamahal ni Kyler sa akin, ex na hindi makamove-on!" Inis na sambit nito.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, pero sa totoo lang gusto ko na talaga itong saktan, gusto ko ng sampal ng libro ko ang Hellieparot na ito.

"Babe!" Napatingin naman kami sa boses nito.

"Babe!" Sambit naman ng babaeng ito na ngumiti pa ito.

Nakita ko naman ang laki ng ngiti ni Kyler na tumatakbo pa ito at agad na agad niyakap si Hellie. Ito na naman ang puso ko, padang dinurog durog na naman sa nasasaksihan ko.

"Babe, pumunta ka talaga dito?" Tanong pa ni Kyler ng bumitaw sila sa pagkakayakap sa isa't-isa.

Ewan ko ba, nangingilid na naman kasi ang luha ko, sobrang babaw lang talaga ng luha ko ngayon.

"Syempre dahil miss kita e, akala ko ba nandito ka na? Bakit ako pa ang nauna sayo?" Sambit ni Hellie.

"Sorry naman po, medyo na traffic lang." Sambit ni Kyler at niyakap na naman si Hellie na ikinabagsak ng luha ko.

Agad ko naman itong pinunasan at napabuntong hininga pa ito. Ewan ko ba, sobrang sakit na nandito sila sa harapan ko naglalandi pero hindi ko kayang nagalaw ang mga paa ko. Nakakainis nga e.

"Love mo ako?" Tanong ni Kyler.

"Oo naman."

"Kiss mo ako." Nakangiting sambit ni Kyler.

"Ikaw ha, namimihasa ka na talaga. Palagi mo na lang akong hinahalikan e, pero ilan gusto mo?" Nakangiting sambit naman ni Hellie.

"Bente."

"Ahmm... Pwede isa na lang?" Sambit pa ng Hellie na ito.

"Bakit naman?" Sambit pa ni Kyler at sabay pout ito.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now